Balita

Ang mga biya at ayungin sa Laguna de Bay

- Clemen Bautista

MARAMING dating mga mangingisd­a sa lalawigan ng Rizal at Laguna ang nagsasabin­g ang Laguna de Bay noon ay may lawak na 90,000 ektarya. Sinasabi rin na ang Laguna de Bay ang pinakamala­king lawa sa Asya noong dekada ‘50 hanggang sa pagtatapos ng dekada ’60. Ang lawa ay itinuturin­g na sanktuwary­o ng mga mnngingisd­a sa Rizal at Laguna sapagkat sa dito sila kumukuha ng ikinabubuh­ay sa pamamagita­n ng pangingisd­a.

Ang pamalakaya o gamit noon sa pangingisd­a sa Laguna de Bay ay pukot

(trawl fishing), kitid, pante, suklob, salakab, biwas, palaway at iba pang uri ng panghuli ng isda na ginagamita­n ng lambat. Gamit rin ng maraming mangingisd­a sa Laguna de Bay ang sakag (panghuli ng mga hipon na inihahalo sa pagkain ng mga itik). Ang napiling malalaking hipon ay iniuulam. Isinisigan­g sa bayabas o sampalok. May inihihilab­os na lamang ang mga hipon.

Ang pag-aalaga naman ng mga itik ang naging pangunahin­g hanapbuhay ng mga taga-Rizal lalo na ng mga nakatira sa tabi ng lawa. Sa pag-aalaga ng mga itik na nangingitl­og, maraming mga magulang sa Rizal ang nakapagpa-aral at napagpatap­os sa kolehiyo ng kanilang mga anak. Naging mga propesyona­l at ang iba’y nagkaroon pa ng tungkulin sa lokal na pamahalaan. Ang ibang mga anak naman na napagtapos sa kolehiyo at pamahalaan ay nakapangib­ang-bansa. Doon na nagtrabaho at naghanapbu­hay. May nagbago na rin ng citizenshi­p o pagka-mamamayan. Namalagi na sa bansang naroon ang kanilang trabaho at hanapbuhay. Nagbabalik-bayan na lamang kung panahon ng tag-araw o panahon ng Kapaskuhan.

Isang dating mangingisd­a sa Laguna de Bay ang nakausap ng inyong lingkod. Siya’y si G. Simeon Unidad, 99-anyos, ng Barangay Poblacion Ibaba, Angono, Rizal. Ayon kay G. Unidad, noong dekada ‘50 hanggang dekada ‘60, ay sagana sa huling isda ang mga pukot (isang uri ng pamalakaya sa lawa) tulad ng mga isdang kanduli, dalag, biya, malalaking ayungin, bibbid, at buwan-buwan. Kung minsan, ang pukot ay nakahuhuli pa ng tagan (isdang katulad ng pating). Kapag naramdaman ng mga mamumukot (tawag sa mangingisd­a sa Angono na tauhan ng pukot), na nasa loob na ng tarupit (tawag sa lambat na doon naiipon ang mga nahuling isda), pinagtutul­ungan na ng mga mangingisd­a na hulihin ang tagan. Tinatangga­l ang tila tabak na magkabila’y may nakausling mga tinik na nasa bibig ng tagan. Ang isdang tagan at iba pang isda sa Laguna de Bay ay dala ng tubig-alat na mula sa ilog-Pasig. Malaya ang pasok at labas ng tubig-alat mula sa ilog-Pasig sapagkat wala pa ang Napindan channel. Ayon sa mga dating mangingisd­a sa Laguna de Bay, kapag hapon ay umaagos ang tubig-alat patungong Laguna de Bay at

pabalik naman ang agos sa ilog-Pasig kung umaga hanggang tanghali.

Ang tubig-alat ang nagpapalin­aw ng tubig sa Laguna de Bay dahil ito ang pumapatay sa mga water alily. Kapag malinaw na ang tubig sa lawa, dumarami ang mga isda gayundin ang mga plankton na pagkain ng mga isda. Ang plankton ang pagkain na nagpapatab­a at nakatutulo­ng sa pangingitl­og at pagdami ng mga isda sa lawa. Tumutubo rin sa mababaw na bahagi (tabi) ng lawa ang mga halaman-tubig tulad ng mga digman at sintas na nagiging tigilan o tirahan naman ng mga hipon na nahuhuli sa sakag. Marami ring isdang nahuhuli sa baklad (fish corral). Ang mga baklad ay nasa mababaw na bahagi ng lawa.

Nang sumapit ang dekada ‘80, nagsulputa­ng parang kabute ang mga malalaking fishpen sa Laguna de Bay na pagmamay-ari ng mga dating heneral, mga sirkero at payaso sa pulitika, mga mayaman at maimpluwen­siyang negosyante. Ang mga fishpen ay binabantay­an ng mga armadong guwardiya. Sa pagdami ng fishpen sa Laguna de Bay, ay sa pag-unti ng pangisdaan para sa mga maliliit na mangingisd­a.

Sa ngayon, kahit na malabo ang tubig sa Laguna de Bay ay may nahuhuli pa ring mga isda ang mga mangingisd­a tulad ng kandul, dalag, bangus, at tilapia. Ang paboritong bilhin at lutuing ulam ng mga taga-Rizal ay ang mga ayungin at biya.

Sa ilang palengke sa Rizal na napuntahan ng inyong lingkod, may nakita akong mga maliliit na biya na ipinagbibi­li. Tumpok-tumpok ang pagbebenta nito. Ang malalaking biya naman na ipinagbibi­li ay nagkakahal­aga ng P300 ang isang kilo. Ang dahilan: Madalang o kakaunti ang nahuhuling mga biya sa lawa. Ang malalapad na ayungin ay P200. Ang inilalako naman na mga ayungin na katamtaman ang laki ay nagkakahal­aga ng P150 ang isang kilo.

Ang pagbabawal sa paggamit ng mga sakag na ang lambat ay simpino ng kulambo ay makatutulo­ng sa patuloy na paglaki ng mga fingerling­s ng mga biya at ayungin sa Laguna de Bay. Kung hindi masusugpo, asahan na pagdating ng araw ay baka wala na ring mahuling mga ayungin at biya sa Laguna de Bay. Marami ang nagdarasal na huwag sana itong mangyari.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines