Balita

Elizabeth, napapalakp­ak sa off-beat role

- Nor V. Calderon

NASIMULAN naming mapanood ang mahusay na aktres at dating beauty queen na si Elizabeth

Oropesa, sa mga seryosong roles, maging ito man ay bida o kaya naman ay kontrabida, at tumanggap siya ng maraming acting awards dahil doon. Pero never naming napanood si La O (Elizabeth) na magpatawa, minsan sa mga guestings ay medyo nagpapataw­a siya pero ganun lang, wala pa siyang nagawang sitcom o isang serye na talagang naging comedian siya.

“Never, kaya I’m very thankful na isinali ako ng GMA Network, sa dramedy na Pamilya Roces, kuwento ni La O sa mediacon ng serye.

“Matagal ko nang hinihintay na mabigyan naman ako ng isang serye na hindi ako magagalit, magpapaiya­k o ako ang iiyak, like iyong huli kong ginawa sa kanila, ang Contessa.

“Masayahin naman akong tao, kaya ko namang magpatawa, pero laging seryoso ang ibinibigay nila sa aking role. Kaya nang tawagan ako sa

Pamilya Roces at sinabi kung ano ang role na gagampanan ko, napapalakp­ak ako, sabi ko, ‘sa wakas, iba naman ang gagawin ko’.

“Hindi naman kasi ako mapili sa role, kung ano ang i-offer, full series o guest role lang, no problem sa akin.

Katwiran ko, trabaho iyon, dapat kong tanggapin. “True enough, talagang tatawanan ninyo ang character ko bilang si Violet Balocboc, kahit ang name ko naiiba, isang dating kontesera na naging backup dancer at kita naman ninyo sa trailer kung ano ang mga isinusuot ko. Basta enjoy ako, kami ni Sophie (Albert) kasi first time din niyang off-beat ang role na ginagampan­an. Naging anak ko siya sa onenight stand namin ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon).

“Kaming mag-ina ang number two family ni Rodolfo na wala namang gusto kundi maka-share lamang sa kanyang kayamanan. Kami ni Sophie ang magbibigay ng comedy scenes dito at lalabanan namin ang number one family, sina Gloria Diaz at mga anak niyang sina Carla Abellana at Gabbi Garcia at ang number three family, si Ana Roces na mga anak naman niya sina Jasmine Curtis Smith at si Shaira Diaz.

“Kaya huwag ninyo kaming kalimutang panoorin simula sa Monday, October 8, pagkatapos ng Onanay dahil tiyak na maraming makaka-relate sa aming story,” patapos na wika ni Elizabeth.

 ??  ?? Elizabeth
Elizabeth

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines