Balita

Christian 3 beses magpapakas­al

- Ni NITZ MIRALLES

IKAKASAL na sa December si Christian Bautista, pero sa mga interview sa kanya sa taping at presscon ng dramedy na Pamilya Roces, at sa presscon ng musicalvar­iety show na

Studio 7, hindi niya sinabi kung kailan sila ikakasal ng fiancée niyang si Kat

Ramnani. Ang sabi lang niya, malalaman din naman kung kailan sila ikakasal.

Kaya hindi kinumpirma ni Christian kung sa December 22 na ang kanyang kasal. Ang balita pa, three times ikakasal sina Christian at Kat, para makasama ang mga taong nagmamahal sa kanila.

Hindi lang malinaw kung alin sa tatlong wedding ceremonies ang mauuna, kung ‘yung wedding sa Indonesia, sa Cavite (hometown ni Christian), o sa Manila.

Malaking gastos ang haharapin ni Christian, kaya malaki ang pasasalama­t niya sa GMA Network sa ibinigay sa kanyang sunud-sunod na trabaho. Hindi siya mababakant­e pagkatapos ng The Clash. Kasama si Christian sa dramedy na Pamilya Roces, na magsisimul­a na ang airing this Monday, after Onanay. Gusto ni Christian ang role niyang si Atty. Ralph Gomez.

“Ang sarap ng feeling gumanap na lawyer, at naghanda ako by watching shows sa Netflix, reading the script at makinig kay Direk

Joel Lanangan,” sabi ni Christian.

Isa rin si Christian sa performers ng

Studio 7 na pilot sa October 14. Masaya siya na meron na uling musical show ang GMA-7 at kailangan na lang gawin nila ng mga kasama sa show ang kanilang best to have a good show na tututukan ng viewers.

Kampante si Christian sa director nilang si Miggy Tanchanco at sa creative director na si Paolo

Valenciano na isang magandang show ang mapapanood every Sunday evening sa GMA-7.

Guest din pala si Christian sa

Victor Magtanggol. Nag-taping na siya, pero hindi pa lumalabas ang kanyang karakter sa serye, kaya abangan na lang.

 ??  ?? Christian
Christian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines