Balita

Ika-52 labas

- R.V. VILLANUEVA

DAHIL sa pagod, pagkakain ng tanghalian, nakatulog ang mag-asawa. Matagal-tagal din silang naidlip.

Nang dakong malamig-lamig na ang sikat ng araw, naisipan ng magasawa na lumibot-libot sa kabuuan ng kanilang bakuran. Mapalapitm­apalayo sila sa bahay. At lagi na’y titig na titig sila sa bahay nila. Halatang masaya sila pareho pero higit siyempre ang tuwa ni Fermin.

Samantala ang itim na ibon ay nanatiling nakadapo sa kinadadapu­an nito kanina pang umaga.

Nang bigla ay yakapin siya ni Fermin. Mahigpit. Mahigpit at bigla’y hinalikan siya ng mariin sa bibig!

Marahan niyang itinulak si Fermin. “Ano ba?”Nakatingit­i naman siya. “Akala mo ba’y nasa loob ka ng bahay?”

E, sino ang kinatataku­tan mo?” Tawa ng malakas si Fermin. “Sino ang nakakakita sa atin ay narito tayo sa Paraiso?”

Ang hindi nila alam, nakatagili­d ngayon sa gawin nila ang ulo ng ibon. At nagliliyab ang mga munting mata nito. Nagagalit ba o nag-iinit sa kanilang ginagawa?

Nagsalita na naman si Fermin: “Magkaanak man tayo dito ng kahit sampu, magkakasiy­a tayo dito sa ating paraiso.” Muli, ang malutong na halakhak ni Fermin.

“Ano tayo, magpo-poultry?” Nanunukso si Nena. “Isa nga lang... hindi ka makagawa e. Hindi ka naman yata marunong, e.”

“Kung gusto mo, igagawa kita ngayon dito, e.”

Bigla, niyakap siya ni Fermin. Hindi siya nakaiwas. Magkayakap, nagpagulon­g-gulong sila sa lupa!

Lalong nanlisik at nag-alab ang mga mata ng ibon. Pati tuka ay ibinuka at parang ibig tukain ang mag-asaw kung malapit lang, At, pagkuwan, lumipad.

Kaalinasab­ay ng paglipad ng ibon, nagulantan­g sina Nena at Fermin. Nakabitaw sila sa pagkakayak­ap sa isa’t isa. Pareho silang naalerto ng malakas na pagaspas ng mga pakpak. Plak! Plak...Plakkkkk “Ano ‘yon?” tanong ni Fermin. “I-ibon!” hintakot ni Nena. “Ang laking ibon.”

“Ang laki nga!” Nahabol pa rin ng tingin ni Fermin ang lumilipad na palayong ibon.

“Natatakot ako, Fermin.”

“Ano naman ang dapat na ikatakot?” tanong ni Fermin. Kalmado ang boses ni Fermin.

“Sobra ang laki at itim na itim.”

“Naiisip mo na naman ang mga nababasa mong mga superstore­s.”

Hindi kumibo ang asawa. Inirapan lang ang asawa.

“Pero saying!” sani uli ni Fermin. “Ano ang saying?” “Hindi ko nadala ang baril na pang-ibon ni Tatay. Baka bumalik ‘yon, babarilin ko. Ang sarap na ulam ng ibon.”

“Naku, Fermin. Tigilan mo nga ‘yan. Baka kung anong klaseng ibon ‘yon. Bigla na lang lumitaw. Hindi nga natin nakita kung saan nanggaling.”

“Ang misis ko naman.” Umiling- iling si Fermin. “Anong dapat ikatakot sa ibon? Hindi naman katakataka­ng magkaroon pa ng mga ganoong klaseng ibon dito. Hindi pa naman kasi masyadong developed ang lugar na ito.”

Hindi kumibo si Nena. “Hihiramin ko ay Tata yang baril niya. Masarap mamaril ng ibon dito.”

Kilabot na kilabot si Nena. Paano kung maligno ang ibong ‘yon?

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines