Balita

Muyang, NCAA POW

- Marivic Awitan

GINAWA ng Letran ang lahat ng kanilang makakayana­n upang magapi at mabawian ang Lyceum of the Philippine­s noong Biyernes.

Kinailanga­n pa nila ng kontrobers­iyal na pagrepaso sa triple ni Jaycee Marcelino sa 40-second upang makamit ang 80-79 na panalo.

Halos di na makagulapa­y ang mga beteranong Knights na sina Bong Quinto at JP Calvo sa final buzzer, kabaligtar­an ni big man Larry Muyang na tila galing lang sa pamamasyal.

Hindi nagpatinag si Muyang sa Pirates partikular sa Cameroonia­n center ng mga ito na si Mike Nzeusseu, Muyang na pinatunaya­n ng ipinoste nyang double-double na 23 puntos at 16 rebounds buhat sa halos perpektong­11-of-12 shooting bukod pa sa 4 blocks.

Dahil sa ipinakita nyang performanc­e, si Muyang ang naging runaway choive para sa Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week, kasunod ng kapwa nya Letranite na si Koy Galvelo.

Ngunit para kay Muyang, ang sorpresang pagdating at panonood ng kanilang teammate Jerrick Balanza sa unang pagkakstao­n.matapos ang. pinagdaana­n nitong operasyon sa utak ang nagsilbi nyang inspirasyo­n

“Nung una, ‘di ko napansin si Jerrick tapos bigla rin nya akong tinawag kanina. Tapos parang biglang nabuhayan ako ng dugo kasi sabi nga ni Bong, yung kapatid namin nanonood.” Tinalo ni Muyang para sa lingguhang citation ang kanyang teammate na si Quinto gayundin sina Perpetual Help center Prince Eze, EAC forward Jerome Garcia, at San Beda guard Robert Bolick.

Sa kabuuan, si Muyang na sng panglimang Letranite na nagawaran ng nasabing citation ngayong season kasunod nina Calvo, Quinto, at Galvelo at maging si Balanza na nagkamit ng special award pagkaraan nitong maoperahan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines