Balita

Cristine at Ali, matagal nang nagkanya-kanya?

- Ni NORA V. CALDERON

MGA pelikula at ang teleseryen­g Kung

Mawawala Ka ang huling ginawa ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz, under Joel Lamangan. At makalipas ang maraming taon ay ngayon lang sila muling nagkatraba­ho sa Pamilya Roces, na napapanood na simula kagabi, sa GMA-7, pagkatapos ng Onanay.

Masarap kausap si Natalia Roces, ang character ni Gloria sa serye. Diretso niyang sinasagot ang mga tanong sa kanya.

Kumustang katrabaho ngayon si Direk Joel?

“He’s... I would say exactly the same,” sagot ng kauna-unahang Pinay Miss Universe. “Exactly the same. The only difference now is may cut-off siya, and that is wonderful.”

Totoo bang hindi na naninigaw sa set ang pamosong director?

Tumawa si Gloria at inusisa kung sino ang may sabing naninigaw si Direk Joel.

Si Elizabeth Oropesa, na kasama rin ni Gloria sa Pamilya Roces, ay nasisigawa­n pa rin, pero wala raw iyon kay La Oro, dahil friends sila ni Direk. Si Gloria ba, hindi pa nasigawan ni Direk Joel sa taping ngayon?

“Hindi naman siguro. A little, kasi I don’t do anything;

I’m there early, ready, scared.

I don’t wanna be… baka mapaiyak ako.”

Natatakot pa rin siya kay Direk Joel? “Siyempre baka mapahiya or something. I don’t know how I’ll react, but siguro, nasigawan na rin.”

Pero dalawang taon na hindi gumawa ng teleserye si Gloria, at ngayon lang uli siya mapapanood sa telebisyon, sa Pamilya Roces.

“Pero hindi rin naman ako talaga nabakante. May ginawa akong indie film, ang Si Chedeng at si Apple, kasama ko si Elizabeth Ororpesa. May ginawa rin akong TV commercial, kasama ko ang dalawang Miss Universe, sina Margie Moran at Pia Wurtzbach.

“Then nag-travel ako abroad. Busy rin ako, pero hinahanap ko rin ang buhay-teleserye. Thankful ako to work again with friends, like Oro and Direk Joel at mga bagong kasama. “May ginawa rin kami noon Lihis, kasama namin ang daughter ko, si Isabelle (Daza), at ginawa rin namin ang Familia Sagrada.

Kaya kung iisipin ko, hindi rin pala ako nabakante nang matagal, ni hindi nogamako makaayos ng kuwarto ko,” natatawang patapos ni Gloria.

 ??  ??
 ??  ?? Gloria
Gloria

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines