Balita

Cristine at Ali, matagal nang nagkanya-kanya?

- Ni ADOR V. SALUTA

PAGKARAAN ng ilang buwang pananahimi­k tungkol sa tsismis na hiwalay na sina Cristine

Reyes at Ali Kathibi, na ikinasal noong January 2016, lumutang na naman ang balitang nagkanyaka­nya na talaga ng buhay ang mag-asawa.

Ayon sa kumalat na balita, ilang buwan nang hiwalay sina Cristine at Ali, pero tahimik lang daw ang magkabilan­g kampo.

Nangalap ng impormasyo­n ang PEP.ph tungkol dito mula sa mga taong nakakakila­la sa dalawa, o may impormasyo­ng makapagkuk­umpirma sa nasabing balita.

May ilan sa kanila ay nagsabing wala silang alam tungkol sa isyu, habang ang iba ay nanatiling tikom ang bibig tungkol sa isyu.

Ngunit, may isang taong nakakakila­la sa dalawa na nagpaunlak sa ilang katanungan mula sa amin.

Ayon sa source, hiwalay na sina Cristine at Ali bago pa man ang Boracay bonding ng magkakapat­id na Ara Mina, Cristine, at Heidi Gatmaitan noong Marso. Hindi kasama si Ali noon, pero idinahilan ni Cristine na “girls night out” ang nangyari kaya wala ring kasamang escort sina Ara at Heidi. Bukod sa magkakapat­id, kasama rin ng tatlo ang kani-kanilang anak.

May ilang detalye pang ibinahagi ang source sa PEP. ph, katulad ng hindi umano pabor ang ina ni Cristine kay Ali, at problema rin umano ang hindi pagkakaroo­n ng stable job ng mixed martial arts artist.

Ngunit iginiit ng source na walang third party sa hiwalayan.

Hindi naman alam ng aming source kung nakapag-file na ng legal separation o annulment of marriage si Cristine, pero binalak na raw ito noon ng Viva artist.

Hiningan din ng PEP ng pahayag si Cristine, sa pamamagita­n ng kapatid niyang si Ara, nitong Oktubre 5, pero ang tanging sagot lang daw ni Cristine kay Ara ay “dedma”.

 ??  ?? Cristine at Ali
Cristine at Ali

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines