Balita

Ex-newspaper publisher, pinatay sa bahay

- Jonas Reyes

SUBIC BAY FREEPORT — Pinatay ang dating local newspaper publisher sa loob ng kanyang bahay dito, nitong Lunes.

Nadiskubre ng driver ni Zambales Todays News publisher at US Navy retiree Sonny Almazan, si Renato Barbadillo, ang bangkay nito sa kanyang tahanan sa Binictican, nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa Investigat­ion Division of the Law Enforcemen­t Department of the Subic Bay Metropolit­an Authority (SBMA-LED), dalawang babae ang pumatay kay Almazan. Ang mga ito ay pinaniniwa­laang kasama ng biktima noong gabing iyon.

Sinabi ni Barbadillo sa mga imbestigad­or na ang dalawang babaeng ito ang pinasundo ni Almazan, 69, sa Kalaklan Gate nitong Linggo, dakong 9:00 ng gabi. Sinabi ni Barbadillo na inihatid niya ang dalawang babae kay Almazan, na naghihinta­y sa isang bakery malapit sa isang mall.

Sinabi rin niya na matapos niyang ihatid ang dalawang babae kay Almazan, sinabihan siya ng biktima na iwan na sila at minaneho ang Toyota Fortuner SUV pauwi sa kanyang bahay sa Binictican.

Kinabukasa­n, papasok na umano si Barbadillo sa trabaho nang makitang nakabukas ang front door ng bahay. Mayroon din umanong mga bahid ng dugo sa sahig patungo sa kuwarto ng biktima, kaya humingi na siya ng tulong sa pulis.

Ayon sa awtoridad, ang biktima ay nagtamo ng mga sugat sa ulo.

Napansin din nila ang mga bloody footprints sa sahig ng kuwarto, golf club at metal cane na may dugo, at basag na bote ng alak.

Iniulat namang nawawala ang cell phone at bag ni Almazan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines