Balita

Thank you, Aga, for believing in me-Paul Soriano

- Ni DINDO M. BALARES

SA showbiz, lalo na sa larangan ng pagdidirih­e, kahit kitang-kita na sa big screen na mahusay ka at nagugustuh­an ng moviegoers ang pelikula mo, hindi ka pa rin basta-basta makakatang­gap ng papuri.

Kabaligtar­an naman ng mga direktor na kahit paulit-ulit nang chaka at semplang ang ginawang pelikula sa takilya, todo puri pa rin ang mga kaibigang kritiko.

Resulta, lalong gumagaling ang direktor na dati nang mahusay samantalan­g lalo namang nagiging basura ang produkto ng huli sa paniniwala sa sariling press release.

Nakita agad ni Aga Muhlach noon pa man ang mataas na kalibre ni Paul Soriano.

“May mga naririnig ako na negatibong komento kay Paul, mababa ang tingin nila kasi indie film director, matigas ang ulo... Last Metro Manila Film Festival, ‘di ba, may mga nagsabing panghuli raw ang pelikula niya? Kaya no’ng maibalita nang nag-number three, boom!” pagmamalak­i ni Aga sa direktor nila ni Bea Alonzo sa First Love.

Itinanghal na Best Director si Paul Soriano sa Metro Manila filmfest 2017 para sa kanyang pelikulang Siargao,

na pinakamara­mi ang hinakot na awards.

May mga pagkakatao­n habang nasa pre-production stage sila ng First Love, lalo na noong binubuo pa lang ang script, na gusto nang sumuko ni Direk Paul. Pero ipinagpatu­loy pa rin nila dahil sa malaking tiwala na ibinigay ni Aga sa kanya.

“No matter how many people doubt you, it just takes one person. And thank you, Aga, for believing in me,” sabi ni Paul sa kanyang lead actor nang humarap sila sa media nitong nakaraang Lunes.

Ang Ten17P production outfit ni Direk Paul ang main mover ng First Love kasosyo ang Viva Films at Star Cinema.

Masaya ang lahat lalo na sina Aga at Bea sa kinalabasa­n ng project nila. Ikinuwento ni Aga ang kanyang pagiging emosyonal nang unang mapanood ang rushes ng pelikula.

“Nagda-dub ako, first time kong makita s’ya kasi ‘pag nag-shoot kami, hindi ko s’ya nakikita sa monitor. Hindi ko naging ugali na panoorin ‘yung kinunan sa ‘kin, so sa dubbing ko nakita ang mga eksena,” salaysay ng aktor.

“I went inside the dubbing room and then ‘yung unang voiceover ko pa lang, umiiyak ako!

“Sabi ko, ‘Manood nga muna ako, ibigay mo sa ‘kin ang mga eksena na ito, ito.’ So pinanood ko and I was watching and hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Nanood ako ng eksena, not even the story of the movie, it was just like one scene and I was like, umiiyak ako.

“Natakot nga ako mag-dub, parang I can’t touch it kasi parang I can’t do it again,” sabi pa niya.

Samantala, malaman ang “kaya pala” sa pahayag ni Bea Alonzo tungkol sa mga nalaman at realizatio­ns niya habang ginagawa nila ni Aga sa Vancouver, Canada ang First Love.

“Pinangarap ko lang mag-artista, pero hindi ko akalain na ganito,” wika ng dalaga. “Parang first love, parang first time, parang first movie mo. ‘Yung sobra kang kakabahan and then mai-in love ka nang sobra do’n sa pelikula habang ginagawa ko.

“And then naisip ko after kong ginawa, ‘Ah, kaya pala ako nag-artista dahil dito, dahil sa pakiramdam na ‘to, dahil sa prosesong ‘to. Ito pala ‘yong paggawa talaga ng pelikula. Iba ‘yung pinaramdam nila sa akin, especially si Aga Muhlach.

“Kasi, surreal siya sa akin na makaeksena ko siya. Minsan, tumitingin ako sa kanya iniisip ko, ‘Oh my God, nangyayari siya. Akala ko hindi na.’” Posibleng ma-in love si Bea?

“Oo naman. ‘Di ba nga? Sino bang hindi? Kaya pala!” tawa nang tawang sabi niya. “Ang lakas maka-MaymayEdwa­rd tayo, ‘di ba?” sabay lingon kay Aga.

Kasama nila sa First Love si Edward Barber na madalas nilang itukso sa ka-love team na si Maymay Entrata (na hindi kasali sa pelikula). Co-star din nila si Albie Casiño.

Halatang nagustuhan at hinangaan ni Bea ang personalit­y ni Aga.

“Kapag gagawa siya ng isang bagay, he makes sure na ibibigay niya ‘yung buong puso’t kaluluwa niya do’n. So siguro, gano’n din siya magmahal! Ayyy! Kilig!”

Sa October 17, birthday nina Bea at Direk Paul, ang showing ng First Love.

 ?? Edward, Aga, Bea, Direk Paul, at Albie ??
Edward, Aga, Bea, Direk Paul, at Albie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines