Trump, ‘25% less’ ang paghanga kay Taylor Swift
INIHAYAG ni US President Donald Trump nitong Lunes na nabawasan ng “about
25 percent less” ang pagkagusto niya sa mga awitin ng pop superstar na si Taylor Swift,
makaraang iendorso ng huli ang Democrat sa Tennessee’s Senate race.
Sinuportahan ng Bad Blood singer si Phil Bredesen nitong Linggo para sa upper house sa kanyang home state, at nagbahagi rin siya ng maanghang na atake laban sa katunggali ni Phil, ang Republican na si Marsha Blackburn,
na kasalukuyang nagsisilbi sa House.
Hiningian ang Pangulo ng kanyang reaksiyon sa ginawa ni Taylor at sinabi niya sa mga mamamahayag sa White House na “(he was) sure Taylor Swift doesn’t know anything” tungkol kay Marsha.
“Let’s say that I like Taylor’s music about 25 percent less now, okay?” dagdag pa ni Trump, sabay ngisi.
Matatandaang noong mga nakaraang taon, ay may pagka-Swifty ang US President.
“Glad to hear that @taylorswift13 will be co-hosting the Grammy nominations special on 12.5. Taylor is terrific!” tweet niya noong Oktubre 2012.
Agosto ng parehong taon, direktang sinabi ni Trump sa pop superstar: “Thanks for the beautiful picture—you are fantastic!”
Hindi gaanong bukas ang saloobin ng singer sa publiko tungkol sa kanyang mga opinyon hinggil sa pulitika, ngunit sinabi niya sa kanyang 112 milyong Instagram followers nitong Linggo na nararamdaman niya umanong kailangan na niyang magsalita, para sa gaganaping midterm elections sa Nobyembre.
“As much as I have in the past and would like to continue voting for women in office, I cannot support Marsha Blackburn. Her voting record in Congress appalls and terrifies me,” post ng 28-anyos na singer.
“She voted against equal pay for women. She voted against the Reauthorization of the Violence Against Women Act, which attempts to protect women from domestic violence, stalking, and date rape.”
Nitong nakaraang taon, nagwagi si Taylor sa kaso laban sa isang dating radio DJ na umano’y nanghipo sa kanya.