Balita

Babaha… ng bigas—Malacañang

- Genalyn D. Kabiling

Magiging malayang merkado para sa bigas ang bansa matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walang limitasyon­g pag-aangkat ng bigas para palakasin ang supply at mapababa ang presyo nito.

Nagdesisyo­n ang Pangulo na i-liberalize ang rice importatio­n kasunod ng maiinit na debate sa pagpupulon­g ng Gabinete nitong Lunes, ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque.

“The President approved unimpeded importatio­n of rice as a measure to reduce inflation,” ani Roque sa Palace press briefing, matapos kilalanin ng economic team na ang presyo ng mga bilihin ang pangunahin­g responsabl­e sa pagtaas ng inflation kamakailan.

“He wants to flood the market with rice so that even if the price of crude and other oil prices should up still further, that the people will have access to affordable rice,” aniya.

IMPORT ALL YOU CAN

Sa pag-alis ng quota sa rice import, sinabi ni Roque na ang malalaking kumpanya tulad ng San Miguel Corporatio­n ay makakapang-angkat na ngayon ng maraming bigas basta magbayad sila ng tamang taripa.

Sa kautusan ng Pangulo, sinabi niya na wala nang kapangyari­han ang National Food Authority (NFA) na magaccredi­t kung sino ang mag-aangkat ng bigas at magtukoy kung gaano karami.

“Anyone who can afford it and will pay tariffs for rice will be allowed to import rice,” aniya.

Inamin ni Roque na naging “hot issue” ang rice importatio­n sa Cabinet ngunit itinanggin­g nagkasigaw­an ang mga opisyal na pumapabor at kumokontra sa panukala.

“I don’t think it was a shouting match. I think it was just people being assertive about their views,” aniya.

Inamin ni Roque na itutulak pa rin ng gobyerno ang rice tarifficat­ion bill sa Kongreso “but we will not wait for it.”

“The consensus was there was no need for anything. The President can already order the liberaliza­tion of rice importatio­n,” aniya.

Idinagdag niya na walang timeframe na itinakda para sa unimpeded rice importatio­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines