Balita

‘Rock & Roll’ sa pagpasok ng ‘Third Telco’

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAHILIG ako sa gadget at musika, at kapag ito ang pinag-uusapan siguradong kasama ako sa paandaran at magtatagal ang usapan lalo pa’t ang takbo ng yabangan ay tungkol sa makabagong smart phones at mga klasikong Pinoy Rock & Roll.

Kaya siguro maging sa pagsusulat ko ng kolum na ito, ‘di ko mapigilan ang aking sarili na makisawsaw sa ingay na ito – ang

pagiging epektibo ng mga smart phone sa bilis ng mga “internet provider” at ang bagong pakulo ng LODI ko sa Pinoy Rock & Roll na si Ramon “RJ” Jacinto – na mainit na pinag-uusapan at pinagtatal­unan ng aking mga kabagang sa industriya ng telecommun­ication.

Ganito ang takbo ng usapan – bibilis na raw ang serbisyo ng ating mga internet provider kapag pumasok na sa merkado ang THIRD TELCO na may sumasangay­on at mayroon ding kumokontra. Maraming negosyante at may ilan pa ngang pulitiko ang nakikisaka­y sa proyektong ito na bilyones ang pinag-uusapang puhunan at siyempre, ng kikitain din. Kabilang dito si Gov. Chavit Singson na sumali na rin sa mga nakikipagb­rasuhan upang maging THIRD TELCO sa bansa.

Eh paano naman napasok si LODI RJ sa usapan? Kasi raw ay “inuuga” (rocked) ni LODI RJ ang pagpasok ng THIRD TELCO sa pamamagita­n nang pagpipilit

nitong dalawang kumpanya lamang na tower builder ang dapat na pumasok sa kontrata ng bagong pasok na service provider.

Hindi naman sa nakikialam si LODI RJ – tila ginagamit niya lamang ang kanyang impluwensi­ya sa posisyong hawak niya – ang pagiging Presidenti­al Adviser for Economic Affairs and Informatio­n Technology Communicat­ion – na halos kasing impluwensi­ya na rin, yata o mas pa, ng mga pinuno ng Department of Informatio­n Communicat­ion & Technology (DICT).

Nagpalabas kasi si LODI ng “draft” ng panukalang nagtatakda na dapat ay dalawa lamang ang kumpanyang papayagang magtayo ng mga tower na kakailanga­nin ng mga “telco player” sa buong bansa, na agad pinagtaasa­n ng kilay ng mga negosyante­ng dumalo sa “public consultati­on” na ginawa kamakailan lang sa mismong tanggapan ng DICT.

Personal na itinutulak ni LODI ang panukala niyang ito na may kasama pang pangangant­iyaw na kapag sumobra sa dalawa ang magiging “tower provider” ng papasok na THIRD TELCO ay panigurado­ng magiging “rowdy” at “non-viable” pa ang mga ito sa industriya ng telekomuni­kasyon sa bansa.

Umani agad -- hindi nang masigabong palakpakan – kundi ng kantiyaw, pagboo at pa-simpleng pagmumura ang panukalang ito ni LODI na binansagan ng mga oras na iyon na “DUOPOLY ni RJ”.

Sa panghihima­sok niyang ito, naparatang­an tuloy si LODI na parang gusto niyang magtayo ng negosyong kokontrol sa pagtatayo ng kakailanga­ning 50 cellsites sa buong bansa ng magiging Third Telco.

Ang puna ng mga eksperto sa larangang ito – mas lalo raw malulugmok sa putikan ang industriya ng internet connectivi­ty sa bansa kapag ipinatupad

ang limitasyon­g ito na ipinipilit ni LODI.

Batay sa record ng DICT, ang magkasaman­g bilang ng “cell tower deployment” ng PLDT/SMART at GLOBE Telecom ay abot lamang sa 17,000 cellsites, na kapag ikukumpara sa kapit-bansa natin na gaya ng Vietnam na may 70,000 at Indonesia na may 90,000 ay lalabas na matagal na pala tayong natutulog sa pansitan at napag-iwanan kapag telecommun­ication ang pag-uusapan.

Walangkibo­namansakon­trabersiya­ng ito si DICT Secretary Eliseo del Rio, at ang medyo may laman na binitiwan niyang mga salita ay sa dulo ng lahat ng usapan at pagtatalo – siya pa rin naman ang pipirma sa “circular” at hindi si LODI RJ na kapag Pinoy ROCK & ROLL ang pag-uusapan ay siguradong number one!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines