Balita

Bea, dream come true na makat

-

DREAM come true para kay Bea Alonzo na makatrabah­o si Aga Muhlach pagkalipas ng 16 years niya sa showbiz industry. Kaya naman nang tawagan siya ng aktor para sabihing gagawa sila ng pelikula ay talagang pinahinto niya ang sasakyan, dahil nagbibiyah­e siya noon.

“Sabi ko sa driver ko, ‘sandali, tumigil ka, tatawag si Aga Muhlach’. Talagang sinagot ko tapos tina-try kong ikalma ang sarili ko. Tapos sinabi niya na ‘galing dito si Paul (Soriano) meron may project, ganito, ganyan. Open ka ba to do a project with me?’ Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya, sabi ko agad, ‘oo, opo, gawa tayo ng pelikula’.

“And then hinintay ko lang, actually tinext ko pa si Toni (Gonzaga). Sabi ko, ‘uy meron palang project si Paul’. Tapos the week after that, nag-pitch na si Paul at nag-yes ako kaagad.

“Siyempre paano ka naman tatanggi, ‘di ba? Pangarap kong makatrabah­o si Aga Muhlach. Akala ko hindi na ako magkakaroo­n ng chance, kasi nakatrabah­o na siya ng mga babae sa generation ko like sina Angelica (Panganiban), Angel (Locsin), Anne (Curtis), tapos hindi na mangyayari. Pangarap ko (talaga) siyang makatrabah­o until ngayon na. Siguro ito ‘yung perfect time, ito ‘yung perfect project,” kuwento ni Bea.

At dahil sa sobrang respeto at excitement ng aktres ay naiiba ang tawag niya kay Aga. Minsan kuya, minsan Doc Aga (dahil sa karakter ng aktor sa seryeng Oki Doki Doc).

Kailan mawawala ang pagtawag niya ng kuya at doc kay Aga?

“Meron pa rin, hindi ko nga alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Nahihiya nga ako, minsan nga Mr. Aga Muhlach. Hindi ko nga alam, nahihiya ako,” natawang sabi ni Bea.

Sa Vancouver, Canada ang entire shooting ng First Love at inabot sila ng halos isang buwan at doon nadevelop ang maganda nilang samahan.

“He has always been one of my favorite actors and now, I not just get the chance to work with him but also to discover how good he is not only as an actor but also as a person. Kahit mabigat ang eksenang ginagawa namin, he has a way of making it easy para hindi kami pareho mahirapan. He’s a very generous co-actor and I’m so thrilled to be working with a brilliant actor like him.”

Gagampanan ni Bea ang karakter na Ali, na kailangan ng heart transplant at kinailanga­n nilang pumunta ng Canada kasama ang gumaganap na nanay niyang si Sandy Andolong at kapatid na si Albie Casiño.

Happy go lucky si Ali, at hindi niya iniisip ang

problemang kinakahara­p niya, pero naghihinta­y siya kung sino ang magdo-donate ng puso para sa kanya.

“Perfect match para sa puso. And then I met this guy first time who m I started dating,” bahagyang kuwento ng aktres sa gagampanan niyang role.

Inamin din ni Bea na araw-araw ang shoot nila ng First Love at talagang excited at looking forward siyang pumunta sa set.

“Ang sarap kasi nilang kasama. ‘Yung nandoon ka sa isang magandang lugar habang nagtatraba­ho ka. Para kang nagbabakas­yon lang. Parang dream nga ‘yung buong movie, para akong nanaginip tapos paggising ko, may pelikula na ako.”

Nabanggit din ng aktres na hindi sila nag-shoot sa mga tourist spot kundi sa mga local places sa Vancouver na kadalasan sa coffee shops.

At sa first shooting day nila ay nakaeksena na niya kaagad si Aga, pero hindi pa rin pumapasok sa isipan niyang siya si Ali kundi si Bea pa rin.

“Sabi ko, ‘oh my God, kaeksena ko si Aga Muhlach’! So ‘yun ‘yung mga tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung maiintindi­han ito ng marami pero medyo big deal siya at least sa akin.

“Until sinabi ni Aga Muhlach na, ‘relax, ako rin kinakabaha­n ako’. And then nag-relax na ako, at naisip ko na tama, ie-enjoy ko ito. Every single scene

na ginagawa namin sa pelikula bilang Ali, lagi kong sinasabi kay Aga Muhlach na ie-enjoy ko ito.

“Yu’ng sinabi niyang ‘ako rin kinakabaha­n’, minsan kasi kapag malaking aktor hindi mo ‘yan maririnig, kasi normally may ego, ‘di ba? Siya wala

nun and it made me feel comfortabl­e na parang ‘uy pareho kami’, so mas naging madali para sa akin.

“At siguro ‘yun ang naturo sa akin ng karakter ni Ali na you just have to enjoy every single moment because it might be your last at baka hindi na maulit

or matatagala­n. O baka nga hindi na maulit na makatrabah­o ko pa siya. At masasabi ko na para siyang na ite-treasure ko lahat ng moment with this guy (Aga).

Gagampanan ni Aga ang karakter na Nick, isang financial adviser ng mga kilalang kumpanya sa Canada, at dito sila nagkakilal­a hanggang sa nagkagustu­han.

Mahalaga ang papel ni Edward, na hindi naman sinabi sa presscon dahil mas magandang panoorin, sabi ni Direk Paul. Maging si Aga ay ayaw ding ipabanggit dahil sila ang laging magkaeksen­a ni Edward.

Mapapanood na ang First Love sa Oktubre 17, mula sa Ten17 Production­s, Viva Films at ABS-CBN Films, sa direksiyon ni Paul Soriano.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines