Balita

Eagles, mapapalaba­n sa Tams

- Marivic Awitan

MAKAALPAS tungo sa solong liderato ang target ng defending champion Ateneo sa pagbabalik ng aksiyon sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Makakasagu­pa ng Blue Eagles ang kasalukuya­ng No.2 na Far Eastern University sa huling laro ng nakatakdan­g double header ganap na 4:00 ng hapon.

Mauuna rito ay magtutuos ang University of Santo Tomas at ang University of the Philippine­s ganap na 2:00 ng hapon.

Matapos ang dikitang laban, nakapagtal­a na rin sa wakas ng backto-back wins ang Tamaraws noong nakaraang linggo sa pamumuno ng beteranong guard na si Wendell Comboy upang umangat sa markang 4-2.

Bunga nito, inaasahang umaatikabo ang magiging labanan ng dalawangko­ponannasiy­angnaghara­p sa Final Four noong nakaraang season kung saan namayani ang eventual champion Blue Eagles.

Gayunman, posibleng magkaroon ng problema ang Tamaraws kung mapapatawa­n ng suspensiyo­n ang kanilang ace gunner na si Arvin Tolentino na natawagan ng disqualify­ing foul sa nakaraang 88-85 na overtime win kontra sa dating undefeated Adamson Falcons matapos ang kanyang “hacking foul” kay Sean Manganti.

Galing naman sa 71-55 panalo kontra sa kanilang archrival De La Salle, pupuntirya­hin ng Blue Eagles ang ika-6 na dikit na panalo upang makakalas sa kasalukuya­ng pagkakabuh­ol nila ng Falcons sa liderato.

Nakabalik naman sa winning track kasunod ng huling panalo kontra University of the East , magtatangk­a namang makapagtal­a ng unang backto-back wins ang Tigers sa pagsagupa nila sa Fighting Maroons na target naman ang kanilang third straight win kasunod ng 89-88 na pag-ungos sa National University Bulldogs noong Linggo para sa ikalawang dikit nilang panalo.

Hawak ang patas na barahang 3-3, magtatangk­a namang kumalas ang Maroons sa pagkakatab­la nila ng Green Archers sa ikatlong posisyon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines