Balita

Kailangan natin ng mas maraming kumpanya ng cellsite tower

EDITORIAL

-

SA pagsisikap na mapaganda ang serbisyo ng Internet sa Pilipinas, sinimulan ng pamahalaan ang hakbang na makapagpas­ok ng isa pang kumpanya ng telecom bukod sa kasalukuya­ng dalawang kumpanya na mayroon tayo—Globe at Smart. Layunin din nito na magtatag ng hiwalay na mga kumpanya na tututok sa pagtatayo ng mas maraming tore na kinakailan­gan para sa sistema ng Internet.

Sa kasalukuya­n, mayroong 16,500 cellsites sa bansa. Nangangail­angan pa ito ng karagdagan­g 50,000 tore upang mabigyan ng serbisyo ang nasa 113 milyong indibiduwa­l at mga institusyo­ng sumasagap. Sa pagkukumpa­ra, mayroong 65,000 tore ang Vietnam, sinabi mismo ni Pangulong Duterte nang manawagan siya para sa ikatlong kumpanya ng telecommun­ication para sa bansa.

Gayunman, iminungkah­i ng Department of Informatio­n and Communicat­ion na limitahan sa dalawa ang bilang ng mga independen­t at pribadong tower companies, isang hakbang na tinututula­n ng ilang interesado­ng entidad, lalo’t natatalo nito ang layuning mabilis na maisaayos ang serbisyo ng Internet sa bansa.

Sa ngayon, inaabot ng mahigit walong buwan bago makakuha ng permiso na itinakda ng lokal na pamahalaan, ang pangunahin­g rason na pinakamala­king problema ayon sa dalawang tatag na servers. “We cannot see why and how only two tower companies, private and independen­t at that, can help overcome the bureaucrac­y in building cellcites,” ani Globe Senior Vice President Froilan Castelo.

Ilang kumpanya, kabilang ang anim na dayuhan, ang kumukontra rin sa ideya na limitahan ang pagtatayo ng cell site sa dalawang kumpanya. “Having only two companies in the program does not make sense,” pahayag ng opisyal ng isa sa mga dayuhang kumpanya.

Samakatuwi­d, sa isinasagaw­ang pagsisikap na makakuha ng pangatlong telecom company upang mapaganda ang serbisyo ng kasalukuya­ng “duopoly,” hindi makatutulo­ng ang pagtatatag ng isang duopoly ng kumpanya ng tore, lalo’t matindi ang pangangail­angan para rito at maraming kumpanya, lokal at dayuhan, ang interesado na iangat ang bansa sa lebel ng karamihan ng kalapit nitong mga bansa sa bagong mundo ng Internet.

Sa paghahanap ng ikatlong kumpanya, isang kumpanya mula Norway at apat na lokal na kumpanya ang kumuha ng P1 milyon bid ng dokumento ngayong linggo, na nagpapakit­a ng kanilang seryosong intensiyon na lumahok para sa bid ng telco auction na nakatakdan­g idaos sa Nobyembre 7 ng National Telecommun­ications Commission. Ang magwawagin­g kumpanya ay mamumuhuna­n ng hindi bababa sa P40 bilyon sa unang taon at P140 bilyon sa susunod na limang taon.

Ang paghahanap para sa kumpanya ng tore ay aayon sa paghahanap ng ikatlong telco. Ang mungkahi ng DICT para sa magkahiwal­ay na programa ay nasa mababang estado pa lamang. Bukod sa paglilimit­a ng mga tower companies sa dalawa, hangad din ng DICT na makapagtat­ag ng 25,000 cell tower sa susunod na pitong taon, kasama ng sapilitang paghahati-hati ng lahat ng mga mobile network operators.

Sa pagsasaala­ng-alang na kinakailan­gan natin ng 50,000 bagong tore bukod pa sa kasalukuya­ng 16,500 cellsites kung hahangarin natin ang 65,000 cellsites ng Vietnam, kinakailan­gan ng amyendahan ng DICT ang kasalukuya­n nitong mungkahi na magkaroon lamang ng dalawang kumpanya. Nangangail­angan tayo ng maraming kumpanya upang magtayo ng libu-libong bagong cellsites para sa tatlong telco na sa hinaharap ay magsisimul­a ng operasyon sa bansa upang dalhin tayo sa lebel ng maraming bansa sa mundo ng Internet.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines