Balita

Roque ‘di nag-resign; papalitan ni Panelo

- Genalyn D. Kabiling at Argyll Geducos

Sa muling pag-organisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Gabinete kasunod ng pagbibitiw ng kanyang mga tauhan na nais tumakbo sa halalan, ibinunyag ni Special Assistant to the President Christophe­r Go na si Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo ang magsisilbi­ng Presidenti­al Spokespers­on simula sa susunod na linggo.

Sa panayam kahapon sa Bali, Indonesia, sinabi ni Go na si Panelo ay magsisilbi­ng presidenti­al spokespers­on kasabay ng kanyang kasalukuya­ng trabaho bilang top aide ni Duterte.

Kinumpirma ang bagong papel ni Panelo matapos ipahayag ni Duterte na itatalaga niya si Panelo bilang pansamanta­lang spokespers­on matapos sabihin ni Secretary Harry Roque na pinag-iisipan pa niya kung mananatili sa administra­syon o tatakbo sa Senado.

“Sabi niya hindi siya takbo tapos tatakbo siya. Tapos ngayon naman hindi. Ang problema ko sa totoo lang, kay may natarget na rin ako na to take his place. I did my homework very fast,” sinabi ni Duterte sa press conference sa Malacañang nitong Martes.

“I’ll assign in temporary or in added function. Tutal tiga-announce man lang ‘yan si Sal Panelo. With all sartorial elegance, medyo maganda siguro tingnan,” aniya.

Nauna rito ay kinumpirma ni Communicat­ions Secretary Martin Andanar na inalok si Roque na pamunuan ang bubuhaying Office of the Press Secretary (OPS) na nilusaw ng nakaraang administra­syong Aquino

Samantala, nilinaw ni Roque na siya pa rin ang tagapagsal­ita ng ng Pangulo at hindi pa nakakapagd­esisyon kung tatakbong senador sa 2019 elections.

“I have not resigned,” ani Roque sa text message sa reporters, ilang araw matapos ibunyag ni Duterte na nagbanta siyang magbitiw makaraang paglihiman kaugnay sa pagtungo sa ospital ng Pangulo kamakailan.

“Still not sure I will run for Senate,” ani Roque kahapon.

Inaasahang ipapahayag ni Roque ang kanyang pinal na desisyon sa susunod na linggo bago ang deadline ng paghahain ng certificat­e of candidacy sa Oktubre 17.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines