Balita

Diego ‘di ikinahihiy­a ang pagiging bastardo

- Reggee Bonoan

“I accepted it, there’s nothing wrong with it, walang problema sa akin ang meaning ng titulo. Dahil ba bastardo ako? What’s the problem there?”

Ito ang kaswal na sagot ni Diego Loyzaga nang tanungin kung naaalangan ba siya sa titulo ng bago niyang serye na Los Bastardos.

“There was no problem there. Tulad nga po ng sinabi natin, kaya nga nabuo ang story na ito because the reality do and the reality is there’s a lot of people who are bastards out there, who do good in this walks of life na kailangan nilang pagdaanan ang ganito. This is now showcasing it’s not about women, it’s about guy, the struggle of a guy of what guy has to go through.

“There’s nothing wrong with it, I’m happy na ako ‘yung isang napili to be one of the bastards to show my walk of life being a bastard. I’m happy to be one,” mahabang katwiran ni Diego, na pinalakpak­an ng mga dumalo sa presscon ng Los Bastardos sa Dolphy Theater nitong Miyerkules.

Ang Los Bastardos ay isa sa Cardinal Bastards series ni Vanessa para sa Precious Hearts Romances.

Open book naman ang buhay ni Diego na anak siya nina

Cesar Montano at Teresa Loyzaga, na hindi naman ikinasal. Lumaki si Diego sa Australia, sa piling ni Teresa, kaya mas malapit siya rito. At dahil parehong artista ang mga magulang ay nasa dugo ng binata ang pag-aartista.

Sa serye, gagampanan ni Diego ang karakter na Joaquin, na bukod-tanging lumaki sa piling ng amang si Don Roman Cardinal (Ronaldo Valdez), at namamahala sa mga negosyo ng ama bilang panganay nito.

Pero laking gulat ni Joaquin na hindi lang pala siya ang panganay ni Don Roman kundi maging si Isagani (Jake Cuenca).

Sina Rosanna Roces at Efren Reyes, Jr. ang kinalakiha­ng mga magulang ni Isagani sa serye.

Base sa trailer ng Los Bastardos, lumaban ng mixed martial arts si Joaquin para ipakitang malakas siya, at siya ang may kapangyari­han bukod sa ama.

Anyway, laging topless ang limangbina­ta sa serye, sa pangunguna nina Jake, Diego, Marco Gumabao, Joshua Colet, at Albie Casiño. Lahat sila ay naggi-gym araw-araw para maging fit at sexy.

Inamin ni Diego na kinailanga­n niyang magpaganda ng katawan dahil ito ang kailangan sa show.

“Like everyone said, the story is great, it’s really does a story that something na it’s true to life. It’s just an added spice ‘yung pagiging hubadero naming,” sabi ni Diego, na inulan ng kantiyaw ng kanyang co-stars. “Lahat naman tayo, ‘di ba (hubadero)?”

Sa tanong kung sino ang may pinakamaga­ndang katawan sa kanilang lima, “ako” ang mabilis na sagot ni Diego, kaya lalo siyang kinantiyaw­an nina Jake, Joshua, Albie at Marco.

Samantala, pagkatapos ng presscon ay hiningan ng reaksiyon si Diego tungkol sa annulment ng kasal ng ama niyang si Cesar kay Sunshine Cruz. Open secret din na malapit ang binata sa huli.

“I’m happy for my Tita Shine, that she’s happy. That’s all. I love my siblings; I love my Tita Shine.”

Anyway, mapapanood na ang Los Bastardos sa Lunes,

Oktubre 15, mula sa RSB Unit, pagkatapos ng Kadenang Ginto, sa Kapamilya Gold.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines