Balita

Direk Mike Makiling, pumanaw

- Ni MELL T. NAVARRO

DAKONG 2:30 ng madaling araw nitong Huwebes ay binawian na ng buhay ang batikang writer-director na si Direk Mike Relon Makiling, matapos makipaglab­an sa sakit na colon cancer. Siya ay 86 years old.

Ipinangana­k noong Hunyo 30, 1932 at nagkaroon ng walong anak, hindi matatawara­n ang dami ng nagawa niyang pelikula sa industriya -- nasa 89 na ang title credits niya bilang isang direktor, at 58 credits naman bilang screenwrit­er.

Beteranong direktor na si Direk Mike mula sa hindi mabilang na blockbuste­r comedies ng Pelikulang Pilipino, mula pa noong 1970s, hanggang sa 1990s, kaya ilang dekada rin siyang namayagpag sa industriya.

Naka-chat namin sa Facebook ang ikalimang anak niyang si Joachim Makiling

(may palayaw na Jack), at aniya, nakaburol ang kanyang ama sa kanilang tanahan sa #1008 Roxas Street, Balic-Balic, Sampaloc, Manila. Plano nilang sa Oktubre 16 libing ang ama.

Ayon sa anak, personal na desisyon daw ng kanyang ama na ‘wag siyang lagyan ng nasogastri­c tub (NGT) o anumang life support, na bagamat masakit sa kalooban ng pamilya, ay tinanggap na rin nila.

“Noong July 2018 po ang huling pagkaconfi­ne ni tatay sa ospital. Doon lang po namin nalaman na may colon cancer siya,” kuwento ni Jack.

“Mula noon, nagkaroon na siya ng maraming complicati­ons tulad ng liver cirrhosis.

“Pero talagang ayaw po niyang malagyan ng NGT at ang personal po niyang bilin ay ‘no heroic measures’, meaning no to life support.

“Kaya nilabas na po siya sa ospital. Pagdating lang sa bahay noong October 10, comatose na siya at binawian na ng buhay nu’ng madaling araw.”

Napakarami­ng pelikula ng Tito, Vic, and Joey trio na si Direk Mike ang nag-direk (at sumulat ng ibang scripts) at karamihan sa mga ito ay patok sa takilya at tinangkili­k ng masang Pinoy.

Kabilang rito ang Iskul Bukol (1980), Mr. One-Two-Three, Age Doesn’t Matter (1981), Palpak Connection (1981), Mag-Toning Muna Tayo (1981), Tartan (1981), Goodah (1984), Give Me Five! (1984), Working Boys (1985),at Mama Said, Papa Said, I Love You (1985).

Nandiyan rin ang Ma’am May We Go Out? (1985), Send In The Clowns (1986), Ready, Aim, Fire (1987), Fly Me To The Moon (1988), at Doctor, Doctor, We Are Sick (1985) na pinagbidah­an din ni Vilma Santos.

Ang iba pa niyang memorable comedy flicks ay ang Mang Kepweng series ni Chiquito,

at nakatatlo rin siya with Comedy King Dolphy for -- Bakit Kinagat Ni Adan Ang Mansanas Ni Eba? (1988), Black Magic (1987), at May Pulis, May Pulis Sa Ilalim Ng Tulay (1989).

Siya rin ang humawak ng unforgetta­ble Roderick Paulate comedies tulad ng Kumander Gringa (1987) with Richard Gomez, Last Two Minutes (1989) with Alvin Patrimonio, at Ako Si Kiko, Ako Si Kikay (1987).

Pati na ang Bondying: The Little Big Boy (1989) ni Jimmy Santos na mula noon ay naging box office comedian rin; Di Bale Na Lang (1987) ni Gary Valenciano; Love Boat (1988) ni Susan Roces at Eddie Gutierrez, at Bikining Itim (1990) ni Joey Marquez.

Hindi lamang siya mahusay sa komedya gumawa rin siya ng action films tulad ng Batas Sa Aking Kamay (1987) ni Fernando Poe Jr.; Aguila Sa Puting Bato (1983) at Panlaban (1981) na pinagbibid­ahan ni Lito Lapid; Ako Ang Hari (1981) at Afuang (1988) na tinampukan ni

Phillip Salvador; Isa Lang Ang Dapat Mabuhay (1986) at Bodyguard (1986) both starring Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Ang mga huling comedies niya noong 1990s ay Ogie Alcasid starrers gaya ng: Isko: Adventures in Animasia (1995), Manolo En Michelle (1984) kasama si Michelle Van Eimeren, at Manila Girl: Ikaw Ang Aking Panaginip (1995).

Ilan pa sa mga naidirek niya sa pelikula ay sina Ramon Revilla Sr., Redford White, Eddie Rodriguez, Rudy Fernandez, Tony Ferrer, Ace Vergel, Ramon Zamora, Rey Malonzo, Eddie Garcia, Robin Aristorena­s, Stella Strada, Rene Requiestas, at marami pang iba.

Ang huli niyang pelikula ay ang Dalagindin­g noong 2002 na pinagbidah­an ni

Eddie Gutierrez, Nina Lopez, Halina Perez, at Elizabeth Oropesa.

Ang amin pong taos-pusong pakikirama­y sa pamilya ni Direk Mike Relon Makiling.

 ??  ??
 ??  ?? Direk Mike
Direk Mike

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines