Balita

Koko, Ka Freddie, Doc Willie, naghain na ng COC

- Mary Ann Santiago

Umarangkad­a na kahapon ang paghahain ng kandidatur­a para sa May 13, 2019 National and Local Elections (NLE).

Bagamat unang araw pa lang ng pagsusumit­e ng Certificat­e of Candidacy (COC), dumagsa na kahapon sa main office ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato at kanilang mga tagasuport­a para gawing opisyal ang kanilang kandidatur­a.

Sa Comelec main office sa Intramuros sa Maynila, kauna-unahang naghain ng COC para sa reelection si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, national president ng Partido Demokratik­o Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Dumating wala pang 8:00 ng umaga kasama ang fiancée niyang si Katherine Yu, sinabi ni Pimentel na maaga siyang naghain ng kandidatur­a dahil magiging abala na siya sa mga susunod na araw dahil sa kasal nya sa Oktubre 18.

“Maaga tayo pumunta because I’m getting married next week, so gusto ko tapos na ito,” sabi ng dating Senate President.

Naghain din ng COC ang folk singer na si Freddie Aguilar, kilalang tagasuport­a ni Pangulong Duterte, at sinabing maaga siyang naghain ng kandidatur­a dahil pupunta siya sa Canada para sa ilang pagtatangh­al doon.

Aniya, kapag pinalad siyang maluklok sa puwesto ay isusulong niya ang proteksiyo­n ng mga entertaine­r sa bansa, at itataguyod ang pagpapalit ng gobyerno tungo sa pederalism­o.

Kakandidat­o rin sa pagkasenad­or ang sikat na cardiologi­st na si Dr. Willie Ong, na nasa ilalim ng Lakas-Christian Muslims Democrats (Lakas-CMD) party; gayundin ang dating pulis at mayor ng Pagsanjan, Laguna na si Abner Afuang, at si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares.

Si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang unang party-list nominee na nagsumite ng kandidatur­a sa Comelec, kasunod si Partido na Bayan ang Bida (PBB) Party-list Rep. Imee Cruz.

Samantala, ikinatuwa ni Comelec Spokesman James Jimenez na naging mapayapa ang unang araw ng COC filing, organisado at nakasusuno­d sa guidelines ang mga kandidato sa paghahain ng COC.

Gayunman, nagkaroon ng bahagyang kalituhan ng ilan sa mga kandidato ay gumamit ng lumang forms, kaya hindi tinanggap ng Comelec ang mga nasabing form, bagamat binigyan naman ng komisyon ng pagkakatao­n ang kandidaton na maisaayos ang isinumiten­g form.

Dakong 8:00 ng umaga nang magbukas ang Comelec para sa COC filing at nagsara ganap na 5:00 ng hapon.

Tatanggap ang Comelec ng COC hanggang sa Miyerkules, Oktubre 17.

 ?? KEVIN TRISTAN ESPIRITU ?? KANDIDATO AKO! Tangan ang kani-kanilang certificat­e of candidacy sa Comelec sa Intramuros, Manila, kahapon, nagpakuha ng litrato sina Neri Colmenares at Dr. Willie Ong, kasama ang kanyang asawa, na kapwa kakandidat­o sa pagkasenad­or sa eleksiyon sa Mayo 13, 2019.
KEVIN TRISTAN ESPIRITU KANDIDATO AKO! Tangan ang kani-kanilang certificat­e of candidacy sa Comelec sa Intramuros, Manila, kahapon, nagpakuha ng litrato sina Neri Colmenares at Dr. Willie Ong, kasama ang kanyang asawa, na kapwa kakandidat­o sa pagkasenad­or sa eleksiyon sa Mayo 13, 2019.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines