Balita

PUV modernizat­ion, tuloy –Tugade

- Alexandria Dennise San Juan

Sa kabila ng mga batikos at ulat hinggil sa pagkaantal­a, nanindigan ang Department of Transporta­tion (DOTr) and the Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) na magpapatul­oy ang modernizat­ion program para sa mga pampubliko­ng sasakyan “with no delays.”

“We shall continue with the PUV Modernizat­ion Program. For the sake of this country, let us have political will. No delays, no postponeme­nt, let us get this done,” pahayag ni Transporta­tion secretary Arthur Tugade.

Ipinahayag ito ni Tugade kasunod ng mga balita na ipagpapali­ban muna o maantala ang modernizat­ion program na inilunsad nitong nakaraang taon.

Taliwas sa naunang mga ulat na hindi pa umano handa ang pamahalaan para sa pagapatupa­d ng programa, iginiit ng kalihim na handa na ang lahat para sa implementa­syon nito.

“Handa po kaming ipatupad ito. Hindi naman po siguro kami kukuha ng bato na ipupukpok sa sarili namin. Kung dati, hanggang plano lang, ibahin ninyo po kami,” saad no Secretary Tugade.

Sinegundah­an naman ni LTFRB Chairman Atty. Martin Delgra III ang naging pahayag ni Tugade, na sinigurong nagsimula na ang programa ng ahensiya at magpapatul­oy.

“Challenge accepted. I will face it with courage. No doubt, it’s hard. There are many controvers­ies and doubts. But I think it will be beneficial to many,” ani Delgra.

PAGDINIG SA PUVMP

Sa pagdinig kamakailan ng Senate committee on public services hinggil sa PUV modernizat­ion program, sinabi ni Senator Grace Poe na hindi pa handa ang pamahalaan na i-phase out ang mga PUV na hindi tumatalima sa modernizat­ion requiremen­ts, lalo’t maging ang kanilang mga hinihiling ay walang kalinawan.

Ipinagdiin­an ni Poe na hindi pa rin alam ng mga operator at mga driver kung paano magagamit ang loan program ng gobyerno para makabili ng mga eco-friendly jeepney, na nagkakahal­aga ng halos P1.8 milyon.

KAILANGAN NG SUPORTA

Samantala, hinikayat naman ni Tugade ang ilang opisyal ng pamahalaan at mga lider ng transport group na simulan nang tumulong at sumuporta sa modernizat­ion program.

“We have taken the initial bold step towards progress, and we need leaders who can tell us where else we can do better, not tell us why it cannot be done. Commuters are already waiting for so long, yet we are still full of excuses until now,” saad niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines