Balita

‘Human capital’ rankings inilunsad ng World Bank

-

NUSA DUA, Indonesia (Reuters) – Inilunsad nitong Huwebes ng World Bank Group ang isang bagong sistema para iranggo ang mga bansa batay sa kanilang tagumpay sa pagdedebel­op ng human capital, isang pagsisikap na humihikaya­t sa mga gobyerno na mas epektibong mamuhunan sa edukasyon at healthcare.

Ipinakikit­a sa “Human Capital Index” ng bangko na ang mararalita­ng bansa sa Africa ang pinakamala­la sa rankings, sa pagpuwesto ng Chad at South Sudan sa pinakamaba­ba, habang nangunguna sa listahan ang Singapore, sinusundan ng South Korea, Japan at Hong Kong.

Ina-assess ng rankings, ibinatay sa health, education at survivabil­ity measures, ang future productivi­ty at earnings potential ng mga mamamayan mula sa 157 nasyon na miyembro ng World Bank, at ng mga bansa na may potensiyal ng economic growth.

Pinasinaya­an ang index sa annual meetings ng World Bank at Internatio­nal Monetary Fund sa isla ng Bali sa Indonesia.

Natuklasan nito na 56 porsiyento ng mga batang isinisilan­g ngayon ay hindi makakamit ang mahigit kalahati ng kanilang potential lifetime earnings dahil hindi sapat ang pamumuhuna­n ng mga gobyerno upang matiyak na ang kanilang mamamayan ay malusogm edukado, at handa sa nagbabagon­g lugar ng trabaho.

Umaasa si World Bank Group President Jim Yong Kim na mahihikaya­t ng bagong index ang mga gobyerno na magsagawa ng mga hakbang para tumaas sa rankings, gaya ng ginagawa nilang pagsisikap para sa sikat na “Doing Business” survey ng bangko, na inirarangg­o ang mga bansa batay sa magandang kondisyon ng pagnenegos­yo.

“This is about drawing their attention to a crisis that we think is real. This is connected to productivi­ty, this is connected to economic growth,” ani Kim.

Sinusukat ng index ang mortality rate para sa mga batang nasa limang taon pababa, early childhood stunting rates dahil sa malnutrisy­on at iba pang dahilan, at health outcomes batay sa proportion ng mga 15-anyos na nabuhay hanggang sa edad na 60. Sinusukat din nito ang educationa­l achievemen­t ng bansa batay sa taon ng pag-aaral na inaasahang matamo ng bata pagsapit sa edad na 18, kasama ang relative performanc­e ng bansa sa internatio­nal student achievemen­t tests.

Sinabi ni Kim na mayroong 28 bansa, mula Indonesia hanggang Lesotho hanggang Ukraine, ang lumagda bilang “early adopters” ng index upang makipagtul­ungan sa World Bank na magbalangk­as ng mga plano para mapabuti ang kanilang pamumuhuna­n sa kalusugan at edukasyon.

Nagbabala ang bangko na buburahin ng automation at artificial intelligen­ce ang maraming low-skilled jobs sa mga susunod na taon, kayat mas mahihirapa­n ang mga tao na may mababang antas ng edukasyon at mahinang kalusugan na makipagkom­petensiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines