Balita

Killer ng Supiden, La Union mayor, kalaboso

- Mar T. Supnad

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO, La Union – Arestado ang isa sa limang hinihinala­ng nasa likod ng brutal na pagpatay sa alkalde ng Supiden, La Union at dalawang aide nito, nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ni Police Senior Supt. Herminio S Tadeo, Jr., officer-in-charge ng PNP Region 1, naaresto si Rosendo Obedoza Sibayan, 29, ng Butubot Norte, Balaoan nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang pinagtatag­uan ni Sibayan, sa pagsisilbi ng search warrant bilang paglabag sa RA 10591 (Comprehens­ive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Si Sibayan, ayon kay Tadeo, ang isa sa mga armadong umatake at pumatay kay Sudipen, La Union Mayor Alexander Buquing at sa dalawa nitong bodyguards nitong Oktubre 1.

Matatandaa­ng nasawi rin sa ambush sina PO2 Rolando Juanbe at driver na si Boni Depdepen. Habang sugatan din ang kanyang asawa na si Wendy Joy Buquing, incumbent vice mayor ng lugar.

Nakumpiska naman mula sa suspek ang anim na live ammunition at isang fired cartridge para sa 5.56 caliber na bala.

Isinawalat ng Special Investigat­ion Task Group (SITG), grupong nakatutok sa kaso ng Sudipen Mayor, na si Sibayan alyas Tukak ay dati nang nahaharap sa kasong frustrated murder at murder, na na-dismiss. May kaso rin ito na homicide noong 2009 kung saan dumaan ito sa probation.

Sangkot din si Sibayan, miyembro ng kilalang OMO Gun-for-Hire Group, sa pagpapatak­bo ng gun-for-hire at gunrunning activities sa La Union, ayon kay Tadeo.

Sinabi naman ni Police Senior Supt. Ricardo G Layug, Jr., Provincial Director, La Union Police Provincial Office, na doble na ang pagsisikap ng SITG para matunton ang natitirang apat na suspek na may kinalaman sa pagpatay kay Mayor Buquing.

"The Police Regional Office 1 is exerting all its efforts to arrest all the suspects and give justice to the families of the victims. At the same time, all personnel are on alert especially so that we are on the onset of election period," ani Col Tadeo, PRO1 officer-in-charge.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines