Balita

Mga isyu sa nalalapit na halalan sa US sa darating na Nobyembre

-

NAKATAGPO ng bagong pagsubok ang “Me Too” movement sa Estados Unidos, na nagsakdal sa maraming kilalang personalid­ad sa Amerika na isinangkot sa seksuwal na pang-aabuso o karahasan— ang kumpirmasy­on ng Senado at ang kasunod na paupo sa posisyon ni bagong Supreme Court Justice Brett Kavanaugh.

Tinutukan ng buong bansa at ng buong mundo nitong nakaraang buwan kung paanong ang nominasyon ni President Donald Trump kay Kavanaugh ay tinutulan ng isang babae na tumestigon­g siya ay seksuwal na inabuso ng nominado noong kanyang kabataan ng 1972. Kalaunan, ang babae na ngayo’y isang propesor ng unibersida­d ay sinamahan ng dalawa pang babae na may kanya-kanyang paratang.

Nagkasundo ang mayorya ng Republican sa US Senate na ibigay ang kaso sa Federal Bureau of Investigat­ion ngunit hindi kailanman isinapubli­ko ang resulta ng imbestigas­yon. Kinumpirma si Kanavaugh sa pamamagita­n ng isang partisan vote na 50-48 at nanumpa para sa kanyang posisyon bilang panghabamb­uhay na miyembro ng Korte Suprema.

Ngayon, nasadlak ang kaso ng Kavanaugh bilang isa sa mga isyu laban kay President Trump at sa kanyang Republican Party sa nakatakdan­g US mid-term election ngayong Nobyembre. Maraming isyu ang ipinupukol laban kay Trump—ang kanyang oposisyon sa imbestigas­yon ng Justice Department hinggil sa pakikialam ng Russia sa nakaraang halalan ng US; ang trade war ng US sa China na nakaapekto sa ekonomiya ng Amerika, ang pagkalas ni Trump sa maraming kasunduang pandaigdig, lalo na sa Iran na nagdulot ng pagtaas ng pandaigdig­ang presyo ng langis, ang kautusang paghihiwal­ay ng mga bata sa kanilang mga illegal migrant na magulang, ang lumalagong pagtingin na ang mundo, lalo na ang Europa ay hindi kinikilala ang US para sa pamumuno nito.

Umaasa ang oposisyon sa US na pinangungu­nahan ng Democratic Party na manalo ng sapat na boto sa halalan upang makuha ang kontrol ng Senado na kasama ng susi upang masimulan ang proseso ng impeachmen­t, ay magkakaroo­n din ng sagabal na epekto sa ilang pinagtatal­unang desisyon ni President Trump.

Sinasabing malaki ang ginagampan­ang tungkulin ng kababaihan sa darating na halalan. Malaking bilang ng kababaihan ang kumakandid­ato para sa Kongreso ngayong taon at sa survey kamakailan sa ilang mahigpit na pinaglalab­anang eleksiyon, lumalabas ang paghilig palayo mula sa Republican ni Trump. Inaasahang malaki ang maidudulot ng Kavanaugh case sa halalan para sa mga senador at kongresist­a.

Tayo, dito sa Pilipinas ay mayroong sariling mid-term election sa susunod na taon. Magiging isang pagtataya rin ito sa rekord ng ating Pangulo. Mayroon din tayong sariling mga suliranin dito sa Pilipinas at ngayon ay sinasakop ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ngunit patuloy nating tututukan ang mga kaganapan sa US, kung saan nasa dalawang milyong Pilipino ang kasalukuya­ng naniniraha­n at nagtatraba­ho roon. Hindi man tayo direktang apektado ngunit nauunawaan natin ang pangamba ng mga Amerikano hinggil sa panghihima­sok ng dayuhan sa kanilang sariling halalan, ang kanilang takot sa posibleng epekto ng US trade war sa mga lokal na presyo, ang kanilang simpatya para sa mga migranteng bata na nahiwalay sa kanilang mga pamilya, at ang kanilang galit sa pulitikang sangkot sa Kavanaugh case.

Kaya naman mahigpit nating babantayan ang mga ito at ang iba pang isyu kung paano ito makaaapekt­o sa midterm election ng Amerika, na ngayo’y mabilis na lumalapit sa itinakdang araw sa Nobyembre 6, 25 araw na lamang ang nalalabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines