Balita

Kapamilya vs Kapamilya

- Ni DINDO M. BALARES

PUBLIC relations nightmare ang pagsasampa sa korte ni Gretchen Fullido ng sexual harassment sa dating ABS-CBN news executive na si Cheryl Favila, dating news segment producer na si Maricar Asprec at libel cases laban sa ABS-CBN news executives na sina Ces Drilon at Venancio Borromeo, at reporter na si Marie Lozano.

Kailangan mo lang pasadahan ang napakarami­ng discussion threads sa social media para malaman ang magnitude ng kontrobers­iya.

Hindi kaaya-aya ang nabubuong public perception sa Dos dahil dito.

Naalala tuloy namin ang binuong mediation committee ni Ms. Maloli Espinosa noong siya pa ang vice president ng government and corporate affairs and corporate communicat­ions. Papel ng mediation committee na pagharap-harapin ang nagkakairi­ngan na mga artista o empleyado para magkasundu-sundo at mabigyan ng instant justice kung mayroon mang naagrabyad­o.

Malaki ang nagagawa ng mediation committee para agarang maapula ang apoy sa pagsisimul­a pa lamang at naiiwasan ang sunog. Nipping the scandal in the bud, wika nga. Tumutubo pa lang ang gulo, putulin na para hindi na umabot sa punto na naging malaking puno pa ito. Corporate communicat­ions ang nagtitimon noon sa mediation committee, dahil sila ang nakakaalam sa costly consequenc­es ng mga kontrobers­iya kapag pinagpista­han pa ng publiko. Ngayong nakapagsam­pa na ng kaso si Gretchen Fullido, labu-labo na sa pagsagot ang mga inaakusaha­n niya at ang nakakalung­kot, kung sinu-sino ang iba pang mga kasamahan nilang nadadamay.

Pati pananahimi­k sa isyu ng ibang female personalit­ies sa network nila, kinukuwest­iyon. May write-ups nang hindi na pala pinapansin ng mga katrabaho si Gretchen.

Hindi makatutulo­ng sa magandang image ng ABS-CBN na sila-silang nagtatawag­an ng Kapamilya ay labu-labo na ang away. Nakaka-miss tuloy ang dating corporate communicat­ions head ng ABS-CBN dahil namasdan namin noon na suwabe niyang nahahawaka­n ang ganitong mga krisis.

 ??  ?? Gretchen
Gretchen
 ??  ?? Ces
Ces

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines