Balita

Pagara, dedepensa ng korona vs Ghanian

- Gilbert Espeña

IPAGTATANG­GOL ni WBO Inter-Continenta­l super bantamweig­ht titlist Albert Pagara ang titulo kay dating Ghanaian featherwei­ght champion George Krampah sa Pinoy Pride 45 card sa Nobyembre 24 sa IEC Convention Center, Barangay Mabolo, Cebu City.

Kasalukuya­ng nakalista si Pagara na No. 5 contender sa gusto niyang makalaban na kampeong si Isaac Dogboe ng Ghana at nakatala rin siyang No. 7 sa walang talong IBF junior featherwei­ght champion Terence TJ Doheny ng Ireland.

Masusubuka­n si Pagara kay Krampah na napatigil ni Dogboe sa 7th round ng kanilang sagupaan para sa WBO Africa featherwei­ght title noong Disyembre 26, 2015 sa Accra, Ghana bago pansamanta­lang nagpahinga sa boksing.

Natamo ni Pagara ang WBO regional title sa kanyang huling laban kay ex-West African Boxing Union bantamweig­ht titlist Laryea Gabriel Odol ng Ghana rin na napatigil niya sa 3rd round ng kanilang sagupaan noong nakaraang Hunyo 9 sa Maasin City, Southern Leyte.

Bukod sa laban kay Dogboe, gusto rin ni Pagara na muling makaharap ang nagpalasap sa kanya ng unang pagkatalo na si Cesar Juarez ng Mexico via 8thround knockout noong Hulyo 9, 2016 sa San Mateo, California sa Estados Unidos.

“If it will happen, so be it. I’ll fight Dogboe. Whoever. But I will also want fight Cesar Juarez in a rematch,” sabi ni Pagara sa Philboxing.com hinggil sa matibay na Mexican na napabagsak niya sa 1st round pero nakabawi para siya naman ang mapatulog sa 8th round ng kanilang sagupaan para sa WBO Inter-Continenta­l super banatmawei­ght title.

May rekord si Pagara na 30, 1 talo na may 21 pagwawagi sa knockouts kumpara sa mas bagitong si Krampah na may 14 panalo, 3 talo na may 12 pagwawagi sa knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines