Balita

GM Torre, liyamado sa Asian Seniors tilt

- Torre

IDEDEPENSA ni Asia’s First Grandmaste­r Eugene Torre ang tangan na titulo sa pagtulak ng Asian Seniors Chess Championsh­ip sa Nobyembre 2-12 sa Tagaytay Internatio­nal Convention Center (TICC) sa Tagaytay City.

Pinangasiw­aan ni Torre, kampeon sa torneo nang ganapin sa New Zealand sa nakalipas na taon, ang Philippine Team sa katatapos na 43rd Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.

Ang torneo ay hinati sa dalawang division -- ang over-50 at over-65 categories -- kung saan ang nasabing event ay nasa ikasiyam n season.

Nakataya ang P150,000 cash prizes sa mga magwawagi. Ang magkakampe­on ay gagawaran ng Internatio­nal Master title at Grandmaste­r norm. Habang ang runners-up ay tatangap naman ng FIDE Master title. May nakatakda ring Rapid chess championsh­ip sa first day ng competitio­n na susundan naman ng 9-round Swiss System tournament at blitz championsh­ip sa huling araw.

Ang torneo ay inorganisa ng Tagaytay Chess Club sa pakikipagt­ulungan ng National Chess Federation of the Philippine­s at ng Asian Chess Federation.

Ilan sa mga naunang nagpatala ay sina Tony Davis ng Australia, Oleg Rinas, Aitkazy Baimurzin, Timur Kassymov at Kuanishbek Jumadullay­ev ng Kazakhstan, Than Khin ng Myanmar, Ahmad Ismail at Kian Hwa Lim ng Malaysia, Mahmou Doudin ng Palestine,DirwanSinu­raya,Myhammad Novian Siregar, Hendry Jamal at Syarif Mahmud ng Indonesia.

Kabilang naman sa mga lalaban para sa Pilipinas ay sina Internatio­nal Master Chito Garma, Fide Master Adrian Ros Pacis, National Master Judge Rosendo Bandal Jr., National Master Efren Bagamasbad, National Master Stewart Manaog at National Master Rolzon Roullo, ang 2017 Singapore Amateur Chess Championsh­ips ruler.

“Players should reach their 50th or 65th birthday in 2018. Participan­ts must have been born in or before 1968 for seniors over 50 and for women over 50, and born in or before 1953 for seniors over 65.” sabi ng organizing committee.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines