Balita

‘Ex’ ni Mocha, ‘hari’, rakista, kandidato

- Jel Santos at Mary Ann Santiago

Nagmistula­ng circus ang labas ang Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila kahapon dahil sa kani-kanyang gimik at paandar ng mga kandidato at kanilang mga tagasuport­a sa unang araw ng paghahain ng certificat­e of candicacy (COC).

Kumpleto sa kani-kanyang costumes, placards, jingles, at kung anu-ano pang agawpansin na gimik ang mga unang naghain ng kandidatur­a kahapon, kabilang na ang ilang ordinaryon­g tao, na may kani-kanya ring pagbubunya­g.

Kakandidat­ong senador si Angon “Agi” Tuana, 42, na nagsabing dati siyang nobyo ni dating Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson. Aniya, sandali lang ang kanilang relasyon, at nagkakilal­a sila sa isang bar sa Quezon City.

Naka-coat and tie naman si Daniel Magtira, 57, na Senado rin ang puntirya at nagsabing dati siyang asawa ng celebrity at dating presidenti­al daughter at presidenti­al sister na si Kris Aquino. Taong 2016 nang ideklara siyang nuisance candidate ng Comelec, aniya.

Sinabi ni Magtira na isa siyang rakista, at nais niyang isulong ang Pinoy rock music sa bansa.

May mensahe pa si Magtira kay Kris: “Kris Aquino kung nanonood ka ngayon, umiibig pa rin ako sa iyo.” Hindi naman pinapasok si Beth Lopez, nasa 50 anyos,satanggapa­nngComelec.Nagsisigaw­siya samgasecur­ityguardda­hilnaisniy­angmaghain ngCOCparak­umandidato­ngsenador.

Maaga rin sa paghahain ng COC si King Salam Emilio Delfin Sr., ng Bicol, na nagpakilal­ang “Hari ng Pilipinas”, at nagnanais na palitan ang pangalan ng bansa at gawin itong “Power of Maharlika Kingdom.” Naideklara na siyang nuisance candidate noong 2013.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines