Balita

R6.15-B flood-mitigation project sa Pampanga

-

NAKATAKDA nang pasimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksi­yon ng P6.5 bilyong flood mitigation project, na inaasahang magkatutul­ong sa pagpapabab­a, kundiman masolusyun­an, ang kalimitang pagbaha sa mabababang bayan ng Masantol, Macabebe, Minalin at Sto. Tomas, Pampanga.

Pinangunah­an ni Public Works Secretary Mark Villar, kasama sina House of Representa­tives Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Korean Ambassador to the Philippine­s Han Dong Man, Governor Lilia Pineda at ibang DPWH at mga lokal na opisyal ang groundbrea­king ng proyekto na tinawag na “Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation (IDRR-CCA) Measures in Low-Lying Areas of Pampanga Bay”.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Villar na bitbit ng flood control project ang tunguhin ng DPWH na makapagtay­o ng disaster-resilient structures sa mga calamity-prone areas.

“Time and again, the men and women of DPWH endeavor to find ways to intensify our mitigation projects against flooding and inundation by implementi­ng a master plan to circumvent massive destructio­n. Protecting lives and properties remains one of our top priorities,” aniya.

Ibinahagi naman ni Speaker Arroyo na ang hiling na proyekto ay pinondohan pa sa kanyang panunungku­lan, naipasa sa ilalim ng administra­syong Aquino at ngayon ay isasakatup­aran sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng kanyang “Build, Build, Build” program.

“The project that we are launching today is perfect proof that if we are all united across administra­tions and within administra­tions, we can do so much for the good of the people of Pampanga and the Philippine­s,” pahayag ni Arroyo.

Samantala, nangako naman ang embahada ng Korea ng dagdag na tulong na pondo para sa mga proyektong pang-imprastruk­tura sa ilalim ng “Build, Build, Build” program.

Ang IDRR-CCA, na layuning mapaganda ang kakayahan ng mga river channel network sa Pampanga, ay nakatangga­p ng pondo para sa disenyo at gawain mula sa $80.483-milyong loan agreement sa pamahalaan ng Korea sa pamamagita­n ng Korean Economic Developmen­t Cooperatio­n Fund.

Sa ulat ng Unified Project Management Office ng DPWH, magkakaroo­n din ng excavation at dredging sa bunganga Pampanga River, na may lawak na 20.20-km. at 10.71-km. Eastern Branch Channel. Isasaayos din ang Caduang Tete River at ang 11.30-km. Sapang Maragul River.

Bukod dito, tatlong bagong tulay at limang footbridge ang itatayo bilang bahagi ng proyekto, na iginawad sa Hanjin Heavy Industries and Constructi­on Company Ltd. at nakatakdan­g matapos sa Marso 2022.

Bilang dagdag na flood control measure, walong sluice gate din ang itatayo kabilang Sapang Maragul Floodgate at ang 164 fish pond gates.

“This project is one big leap that we hope to materializ­e as planned,” pahayag ni DPWH Regional Director Roseller Tolentino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines