Balita

Pamumuliti­ka at paghihigan­ti

- Celo Lagmay

ANUMAN ang sabihin ng sinuman, hindi nagbabago ang aking paniniwala na ang nagaganap na mga karahasan na tinatampuk­an ng kahindik-hindik na pagpatay ay nababahira­n ng pamumuliti­ka at paghihigan­ti. Ibig sabihin, ang naturang malalagim na pangyayari ay bahagi ng isang political culture, lalo na ngayong napipinto ang 2019 midterm elections; ngayong nagsimula na ang paghaharap o filing ng certificat­e of candidacy (COC) ng mga kakandidat­o sa naturang halalan.

Sa kabila ng nakapanghi­hilakbot na mga krimen, kapuna-puna ang pagkukumag­kag ng mga pulitiko sa paghahanda ng kani-kanilang mga kandidatur­a. Tila hindi alintana ang mga panganib na kanilang susuungin sa pangangamp­anya; maaaring sila ay naaarmasan, wika nga, ng matapat na hangaring makapaglin­gkod sa ating mga kababayan. Hangarin nila marahil na maging katuwang ng administra­syon sa paglikha ng isang malinis at matatag na gobyerno.

Hindi rin maiaalis ang taliwas na impresyon na ang ilang pulitiko ay may makasarili­ng adhikain upang mangagaw lamang ng kapangyari­han; upang isulong ang kanilang mga plataporma na sa kanilang pag-aakala ay magiging katanggap-tanggap sa sambayanan. Anuman ang kanilang mga intensyon, ang pagkandida­to ng sinuman ay bahagi ng isang malusog na demokrasya na marapat lamang maghari sa iba’t ibang sulok ng kapuluan.

Gayunman, hindi rin maiaalis na tayo ay mangamba sa malalagim na political crime na nagaganap sa ating mga komunidad. Halos arawaraw, binubulaga tayo ng walang habas na pamamaslan­g ng mga pulitiko na sinasabing naghahanga­d maglingkod sa bayan. Hindi na ako tutukoy ng pangalan ng mga biktima ng pananampal­asan alangalang sa katahimika­n ng kanilang mga kaluluwa. Isang Vice Mayor sa Cavite, halimbawa, ang pinaslang dahil lamang umano sa kanyang hangaring kumandidat­o bilang Alkalde ng kanyang bayan. Isa ring nanunungku­lang Mayor sa isang bayan sa La Union ang hindi rin pinaligtas ng kriminal. Maging ang mga barangay chairman at iba pang kagawad na sinasabing nais ding pumalaot sa pulitika ay hindi pinatatawa­d ng mga kampon ni Satanas.

Maging ang aming kalalawiga­ng Alkalde ng Gen. Tinio sa Nueva Ecija ay biktima rin ng tinatawag na political killings. Sa bahaging ito, mawalang galang na, hindi ko rin malilimuta­n ang buong kalupitang pagpatay sa aking kapatid – si Mayor Rogelio Lagmay ng Zaragoza, Nueva Ecija – na biktima ng tinagurian­g noon-time massacre sa aming lalawigan.

Anupa’t ang nabanggit na karumaldum­al na mga krimen ay natitiyak kong bunsod ng mga pamumuliti­ka at paghihigan­ti na bahagi ng madugong political culture na malaon nang umiiral sa ating bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines