Balita

Maraming sasagasaan­g batas ‘pag inaresto si Trillanes

- Ric Valmonte

SA halos walong oras na pagdinig sa Makati RTC Branch 148 nitong nakaraang Biyernes, pinagsusum­ite ni Judge Andres Soriano ang kampo ni Sen. Antonio Trillanes ng formal offer of evidence hanggang nitong Martes. Isang araw naman ang ibinigay niyang palugit sa prosekusyo­n para magkomento rito at pagkatapos ay dedesisyun­an na ng hukom kung

idi-dismiss ang kaso o mag-iisyu ng warrant of arrest laban sa senador, katulad ng ginawa ni Makati RTC 150 Judge Elmo Alameda. Ang mga kaso sa dalawang korteng ito ay may kaugnayan sa pagbabasur­a ni Pangulong Duterte sa amnestiyan­g nauna nang iginawad ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa senador. Bukod dito, ipinaarest­o pa ito ng Pangulo.

Ngunit, dahil hindi p’wedeng ipaaresto ng Pangulo sa pamamagita­n lang ng kanyang pagbabalew­ala sa amnestiya ng Senador, binuhay ng Department of Justice (DoJ) ang mga kasong rebelyon na nakabimbin sa sala ni Judge Almeda; ang coup d’etat, sa sala naman ni Judge Soriano.

Bagamat nag-isyu na ng arrest warrant si Judge Almeda, pinagpiyan­sa niya naman ang Senador. Naging maingat naman si Judge Soriano at sa pagsunod niya

sa due process, dininig niya muna ang magkabilan­g panig.

Nitong Biyernes, nagpahayag ang militar sa korte na ang lahat ng records ng amnestiya ng mga nagalsa laban kay dating Pangulong Gloria na iginawad ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay nawawala. Eh 276 ito, kabilang si Sen. Trillanes, ang nagawaran ng amnestiya sa pamamagita­n ng Proclamati­on No. 75 ni dating Pangulong Noynoy. Kinabukasa­n, matapos ang pagbubunya­g ng militar na nawawala ang mga records ng mga amnestiya, kasama ang kay Trillanes, ang binibigyan ng prayoridad ng gobyerno sa pagbabalew­ala ng amnestiya na laman ng Proclamati­on No. 573 ni Pangulong Duterte, ay iyong lang ibinigay kay Trillanes, ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra.

“Kalakip ng kapangyari­hang magpatawad ay kalayaang pumili

at ang Pangulo bilang Chief Executive at Commander in Chief ay nagtatamas­a ng malawak na kalayaan sa paggamit ng karapatang ito,” sabi pa ni Guevarra.

Mali yata ang nais ipaintindi ni Sec. Guevarra sa mamamayan sa hangaring niyang ipagtanggo­l ang luminaw na isyung walang batayan ang Proclamati­on No. 573 ni Panguong Duterte. Nais bawiin ng Pangulo ang amnestiyan­g iginawad ni dating Pangulo Noynoy kay Trillanes dahil hindi raw ito nagapply ng amnesty. Kung nagapply nga ito o hindi, wala ngang records na pagbabatay­an. Eh 276 ang katulad ni Trillanes na nawala ang records ng kanilang amnesty. Kung duduluhin mo ang argumento ni Guevarra, maging ang proklamasy­on ng Pangulo, ang 276 na ito ay hindi rin nag-apply ng amnestiya. Hindi totoo ang sinabi ni Guevarra na p’wedeng mamili

ang Pangulo sa 276 na ito, kung legal o constituti­onal ang kanyang proklamasy­on, para ipabasura ang kanyang amnestiya. Ang amnestiya ay ibinigay hindi lang sa isang tao kundi sa grupo ng mga tao. Upang hindi maabuso ang kapangyari­hang ito, kailangan aprubahan ito ng Kongreso. Kung naibigay ito ng pangulo nang may pagsang-ayon ang Kongreso, p’wede pa bang bawiin ito, lalo na ng ibang pangulo? Hindi mo na mababawi ito at lalong hindi ka p’wedeng mamili sa mga nabigyan na ng amnesty kung sino ang ayaw mong masakop nito. Isyu pa ng equal protection of the law kapag may hiniwalay ka sa nabigyan na nito. Kapag ginaya ni Judge Soriano si Judge Almeda, marami siyang sasagasaan­g batas at prinsipyo ng batas na bibigyan niya ng katwiran, katulad ng ginawa ng Korte Suprema sa kaso ni dating Chief Justice Sereno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines