Balita

Dave M. Veridiano, E.E. Library at museum ipapangala­n kay ‘FVR’

- Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

PARA sa akin, ang pinakamaga­ling na nakakuha ng paggalang mula sa lahat ng kanyang mga naging tauhan sa pulis at militar at maging ng iba pang opisyal ng pamahalaan sa buong bansa, ay si General Fidel V. Ramos (FVR) na naging ika-12 na pangulo ng Pilipinas.

Mula sa muling sumisibol na demokrasya at sapin-saping problema na minana niya sa administra­syon ni Tita

Cory ay napaangat ni FVR o mas kilalang si “General Tabako” , sa estadong “Tiger Economy” ang Pilipinas sa mata ng mga nagmamatya­g na ekonomista sa buong mundo.

Isa sa mga “die hard” na tagahanga ni Tabako ay ang kanyang kababayang si Pangasinan Second District Rep. Leopoldo N. Bataoil, na nitong nakaraang linggo ay naghain ng House Bill No. 8367 na nananawaga­n sa kapwa niya mambabatas sa kongreso na agad aprubahan ang pagtatayo sa Lingayen, Pangasinan ng gusaling kikilalani­n bilang Fidel V. Ramos (FVR) Library & Museum.

Magandang suhestiyon ito mula kay dating 2-star police general Bataoil (PolBat), na noo’y matikas ding junior officer ng Philippine Constabula­ryIntegrat­ed National Police (PC-INP) sa ilalim ng pamumuno ni Tabako.

Tagahanga rin ako ni Tabako, na

aking nai-cover bilang miyembro ng Defense Press Corps (DPC) mula nang siya ay PC-INP chief pa, hanggang maging Defense Secretary noong administra­syon ni Tita Cory. Nakita ko ang dedikasyon niya sa trabaho na hindi ko nakita sa mga sumunod na opisyal na naupo sa mga posisyong kanyang hinawakan.

Kahit patakbo na sa 90 ang edad ni Tabako ay mababakas pa rin sa kanyang pangangata­wan ang liksi, tikas, at talino na taglay niya noon, kaya sang-ayon ako kay Rep PolBat na napapanaho­n na para bigyan ng natatangin­g karangalan ang aming LODI – si FVR.

Ayon kay Rep Polbat, ang disiplinan­g pinairal ni FVR, mula sa pagiging pinuno ng mga pulis at militar, hanggang sa maging pangulo, at ngayon bilang isa sa mga iginagalan­g na senior statesman sa bansa, ay kahanga-hanga at mahirap tularan. Ayon kay Rep PolBat,

napapanaho­n nang tumanaw ng utang na loob kay FVR ang ating bansa sa patuloy nitong pagsisilbi nang walang pag-iimbot at buong katapatan.

“His achievemen­ts must be properly enshrined and carefully documented for the benefit and knowledge of generation­s to come. For this purpose, a library dedicated to his honor must be establishe­d and located in his hometown or any place significan­t to him such as his birthplace in Lingayen, Pangasinan,” ani Rep PolBat. “At the ripe of 90, FVR continues to soldier on as a senior statesman and a grateful nation owes him a debt of gratitude for his service, honor and duty to our beloved nation. This FVR Library and Museum (FVRLM) is the best gift we can think of to honor his legacy,” dagdag pa niya.

Isa si FVR sa mga pinuno ng bansa na naging napakamaku­lay ang pagseserbi­syo. Marami siyang naiwang

legacy – publicatio­n, writings, letters, essay atbp – na pakikinaba­ngan ng mga mamamayan kapag ang mga ito ay kanilang makikita, mababasa, o mahahawaka­n man lang. Kaya napapanaho­n nang mailagay ang mga ito sa isang lugar na madaling mabisita ng mamamayan.

Ang FVRLM ay pamamahala­an din ng National Library of the Philippine­s (NLP), at ito ang magiging tanging “custodian and repository” ng mga mahahalaga­ng bagay na may kaugnayan sa buhay at pamamahala ng lahat ng naging pangulo sa Pilipinas.

Umaasa si Rep PolBat na maisasabat­as ito sa lalong mabilis na panahon sa tulong ng mga opisyal sa pamahalaan na naniniwala sa kanyang panukalang batas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines