Balita

Napakatoto­o, napakasimp­le ni Maine—Coco

- Ni ADOR V. SALUTA

INAABANGAN na ang pelikulang magtatampo­k sa tiyak nang hit na tambalan nina Coco Martin at

Maine Mendoza sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles, na kasama rin nila ang Kapuso icon na si Vic Sotto. Bukod kay Bossing Vic, puring-puri ni Coco si Maine bilang katrabaho.

“Si Maine parang hindi namin first time magkatraba­ho. Family,” bungad agad ni Coco sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

“Napakasimp­le niyang tao. Alam ko kung bakit siya mahal na mahal ng mga tao, ng mga fans niya, dahil napakatoto­o niya, napakasimp­le. Walang pretension­s, hindi siya nagpe-pretend. Wala siyang kaarte-arte.”

Ang nasabing movie ang unang pagsasamah­an nina Coco, Maine at Bossing Vic.

“Napakabait nila, napakasara­p kasama. Natutuwa ako, kasi winelcome nila ako,” sabi pa ni Coco.

“Ang sarap makasama nitong tao (Maine) na ‘to, kasi first time n’yong magka-work, pero alam mo yun… Siguro dahil mas nauna ako sa kanya, ‘yung trust. ‘Pag sa action, hindi nga maiilang na turuan siya, i-guide siya, kasi siya mismo… Thankful. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong naa-appreciate niya ‘yung ginagawa mo para sa kanya.”

Dedma si Coco sa usaping rivalry between his mother studio ABS-CBN at sa karibal nitong istasyon, angGMA-7 where Maine and Vic belong to.

“Wala namang kumpetisyo­n. Tanggalin na natin sa isip ‘yan,” sabi ni Coco. “Dapat both parties, lahat ng gumagawa ng pelikula, nagtutulun­g-tulong para pasayahin lahat ng tao sa Pasko.”

Kabilang ang Jack Em Popoy: The Puliscredi­bles sa Magic 8 movies na ipalalabas in cinemas nationwide beginning December 25, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines