Balita

Osang, nagbago dahil sa apo

- Ador V. Saluta

NAGBABALIK-TELEBISYON ang aktres na si Rosanna Roces sa pamamagita­n ng Los Bastardos, ang bagong Kapamilya serye na magtatampo­k kina Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Jake Cuenca, Joshua Colet, at Albie Casiño.

Stand out ang presence ni Rosanna sa grand presscon ng Los Bastardos sa Dolphy Theater last October 10, dahil malaki ang kanyang ipinagbago, physically. Kinakitaan din ang aktres ng pagiging masayahin at mapagpakum­baba sa tuwing sumasagot sa Q&A mula sa press people.

“Since nagkakaeda­d ka, naiisip mo na mali pala ‘yung ginawa ko dati. Pero siyempre ‘yun ang tama sa ’yo noon, lahat kaaway mo. Pero ‘pag nagkakaeda­d ka na pala talaga, nagme-mellow ka sa ayaw at sa gusto mo,” sabi ni Osang.

Paliwanag pa ng aktres, isa sa malaking dahilan ng kanyang pag-mellow down ngayon ay ang apo na si

Gabriel Revilla, na anak ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa anak niyang si Grace Adriano. Thirteen years old na ngayon si Gab.

“Yung pagkawala sa akin ni Gab (ang gumising sa akin). Pero tingnan mo, kasundo ko na ngayon si Jolo,” aniya.

Kasabay ng pagkakaroo­n ng edad, ang pagpapataw­ad sa mga nakaalitan noon ni Osang, kabilang na ang tatay ni Jolo na si dating Senador Bong Revilla.

“Actually nakakarati­ng sa akin (ang mga update tungkol kay Bong). Pero siguro tama lang na lumabas na si Senator Bong, nagdusa na din naman ‘yung tao nang ilang taon. Si (dating Senador) Jinggoy (Estrada) nakalabas na... it’s about time,” sambit pa niya.

Dagdag ni Rosanna, masaya siya ngayon sa kanyang simpleng buhay kasama ang kanyang mga apo at mahal sa buhay.

“Masaya ako ngayon sa piling ng mga mahal ko sa buhay,” sabi pa ni Osang. “Eh kasi ‘pag nakita mo naman na maayos ang palaki sa apo mo, nag-aaral nang mabuti, eh, okay na sa akin ‘yun. ‘Yun lang naman hiniling ko kay Bong noon, ang paaralin ang apo ko sa magandang paaralan.” Sa darating na Oktubre 15, mapapanood na ang Los

Bastardos sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines