Balita

Jason tinalian ‘si junjun’, nag-high heels

- Ni NITZ MIRALLES

IPINAUNA na ni Jason Abalos na sandali lang siya lalabas sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Asawa Ko, Karibal Ko, na magpa-pilot sa October 22, pagkatapos ng Eat Bulaga.

“Mabilis lang ako dito. Pero abangan n’yo sa GMA. Sobrang bago ‘to. Na-excite ako para sa show na ‘to!” sabi ni Jason.

Ang sabi ni Jason, hanggang week 2 lang siya at mawawala na ang karakter niya sa serye. Pero malakas ang magiging impact sa viewers ng karakter niya, at babalik din siya, pero iba na ang katauhan.

Magsisimul­a ang kuwento ng Asawa Ko, Karibal Ko na makikilala si Jason bilang si Nathan. Nagpakasal si Nathan kay Rachel (Kris Bernal), pero may na-realize siya sa pagkatao niya kaya iniwan niya ang misis, at nang magbalik siya sa buhay nito ay babae na siya, at magpapakil­ala bilang si Catriona (Thea Tolentino).

Tulad ni Thea, first time na gaganap na transgende­r si Jason.

“Bago sa akin ang role ko rito. Nahirapan ako dahil hindi ako aral sa ganitong role, pero masarap gawin. Nag-isip ako kung sino ang gagayahin ko at nakahanap din ako ng peg. Walang iba, kundi si Vickie (Rushton, his GF). Sinabi ko sa kanya ‘yun, natawa lang siya. Ginaya ko kung paano siya kumilos at magsalita,” sabi ni Jason. Bukod sa pag-oobserba kay Vickie at sa mga kaibigang beki kung paano magsalita at kumilos, nag-aral ding maglakad si Jason suot ang five-inch heels shoes, at dusa sa kanya ito.

Isa pang pinakadusa kay Jason na kailangan niyang ipitin si “junjun.”

“Si junjun nasa likod, tinalian ko. Dahil ‘pag ‘di ko ginawa ‘yun, ‘pag nakadamit babae ako, bubukol,” kaswal na kuwento ni Jason.

Mabuti na lang at sandali lang ang labas ni Jason sa Asawa Ko, Karibal Ko dahil ‘pag pinatagal ang karakter niya, mahihirapa­n siya sa kaiipit.

 ??  ?? Jason
Jason

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines