Balita

Iregular na pagtibok ng puso, maaaring mauwi sa dementia

-

MAY posibilida­d na magkaroon ng dementia ang taong may irregular heartbeat, na tinatawag na atrial fibrillati­on (AF), ngunit kung gagamutin ang AF sa pamamagita­n ng blood thinners, maaaring mapababa nito ang tsansa ng pagkakaroo­n ng dementia.

Napagalama­n ng study team na mas mataas ng 40% ang tsansang magkaroon ng dementia ang mga taong may atrial fibrillati­on, at ang panganib na magkaroon ng vascular at mixed dementias ay halos 90%. Ngunit mas mababa naman ang tsansa nito sa mga taong may AF na umiinom ng anti-clotting drugs kaysa mga taong hindi, ayon sa ulat sa Neurology.

“We found that people with atrial fibrillati­on may experience faster decline in cognitive performanc­e, such as thinking and memorizing skills, and have a greater risk of dementia than those without atrial fibrillati­on,” lahad ng pangunahin­g awtor ng pag-aaral na si Mozhu Ding, isang doctoral candidate sa Aging Research Center ng Karolinska Institute sa Stockholm, Sweden.

“Notably we found that older patients with atrial fibrillati­on taking blood thinners, which prevent clots from forming in the heart and traveling to the brain, were less likely to develop dementia than those who were not taking blood thinners,” sabi ni Mozhu.

Sa atrial fibrillati­on, ang mga electrical signals sa heart muscle ay nagagambal­a o naaapektuh­an, na sanhi para maging irregular ang pagtibok ng puso. Bilang resulta, hindi maayos ang pagdaloy ng dugo sa puso, na pwedeng mauwi sa pamumuo ng dugo na maaaring mapunta sa utak at maging sanhi ng stroke.

Maraming pasyente ng atrial fibrillati­on ang pinayuhang uminom ng anticoagul­ants, kilala rin bilang blood thinners, para maging matagal ang pamumuo ng dugo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines