Balita

Bato kandidato; ‘enlightenm­ent’ pa kay Bong Go

- Analou De Vera, Jeffrey G. Damicog, Mina Navarro, Armando B. Fenequito, Jr., at Bella Gamotea

Naghain na kahapon ng kandidatur­a sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Intramuros, Maynila, si dating Philippine National Police (PNP) chief at kare-resign lang na Bureau of Correction­s (BuCor) director na si retired Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, para kumandidat­ong senador.

Matapos kumonsulta sa feng shui expert, sinabi ni Dela Rosa na nagdesisyo­n na siyang kumandidat­o para senador, at tututukan niya ang peace and order sa bansa.

“The sun (ayon sa feng shui expert) is directly above you... So, lahat ng energy ng sun mapupunta sa ulo ni Bato. Wala pang buhok, so lahat ng energy nandyan,” biro ni Dela Rosa, na umani ng halakhakan ng mga miyembro ng media.

Pinalitan si Dela Rosa ni Office of Civil Defense Deputy Administra­tor Nicanor Faeldon bilang bagong BuCor director.

Sinabi naman kahapon ni Special Assistant to the President Bong Go na pinag-iisipan pa niya kung kakandidat­o siya sa susunod na taon.

“Pinag-iisipan ko pa. Naghihinta­y ako ng enlightenm­ent sa Panginoon,” sinabi kahapon ni Go.

Naghain na rin kahapon ng kanyang certificat­e of candidacy (COC) si presidenti­al son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte para sa pagkandida­to bilang kongresist­a sa unang distrito ng Davao City.

Dumating si Duterte sa Commission on Elections (Comelec) office sa Magsaysay Park, dakong 12:00 ng tanghali, kasama ang kanyang kapatid na si incumbent Mayor Sara Duterte-Carpio.

Nagbitiw naman sa posisyon si Bureau of Immigratio­n (BI) Deputy Commission­er Marc Red Mariñas upang kumandidat­o bilang alkalde ng Muntinlupa City.

Si Mariñas, kasalukuya­ng namumuno sa Port Operations Division (POD) ng ahensiya, ay maghahain ng kandidatur­a sa Lunes.

Sa Pasay, buhay na buhay naman ang politicial dynasty makaraang apat na miyembro ng pamilya Calixto ang naghain ng kani-kanilang COC.

Kakandidat­ong alkalde si Pasay Rep. Imelda “Emi” Calixto-Rubiano, habang ang kapatid niyang si incumbent Mayor Antonio Calixto ay kakandidat­ong kongresist­a.

Tatakbo naman sa pagkakonse­hal ang anak ng alkalde na si Mark at pamangkin na si Joey.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines