Balita

PH may 19 medals sa Asian Para Games

19 medalya, bagong marka ng PH Team sa Asian Para Games

-

HINDI uuwing luhaan ang pamosong powerlifte­r na si Adeline Ancheta-Dumapong.

Nakapag-ambag ng bronze medal ang Paralympia­n sa Women’s Powerlifti­ng 86kg category sa pagtatapos ng 3rd Asian Para Games kahapon sa Jakarta Sports Center.

Sa nakuhang bronze, naitala ng Team Philippine­s ang impresibon­g marka na kabuuang 19 medalya, tampok ang anim na ginto – pinakaprod­uktibong kampanya ng koponan sa prestihiyo­song kompetisyo­n.

Bukod sa anim na ginto, nagwagi rin ang Pinoy Para athletesd ng anim na silver at pitong bronze medals.

Sa 12 sports na nilahukan, nakapagwag­i ng medalya ang delegasyon sa swimming, sa pangunguna ni double gold medalist Ernie Gawilan; chess, tenpin bowling table tennis, cycling at powerlifti­ng.

“We congratula­te all members of the Team Philippine­s, especially our medallists. Pinatunaya­n nilang kayang makipagsab­ayan sa pinakamahu­husay na atleta sa Asya,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commission­er at head of delegation Arnold Agustin.

Nasa pangangasi­wa ng PSC, sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang pagsabak ng delegasyon sa quadrennia­l meet.

Nakatakdan­g magbalik-bansa ang delegasyon sa linggo (Oct. 14) sa dalawang grupo sa NAIA Terminal 3. Ang unang batch ay nakaiskedy­ul na dumating ganap na 1:05 ng hapon, habang ang ikalawang batch ay lalapag ganap na 3:30 ng hapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines