Balita

Monching, okay sa pagpapakas­al ni Lotlot

- Ni NITZ MIRALLES

UMILING saka sumagot ng “hindi” si Janine Gutierrez nang tanungin kung invited ang ama niyang si

Ramon Christophe­r Gutierrez sa December 17 wedding ng mom niyang si Lotlot de Leon sa Lebanese fiancee nitong si

Fadi El Soury.

Para kay Janine, weird na dumalo ang ama sa kasal ni Lotlot. Pero nang nakausap namin siya sa taping ng Victor Magtanggol ay nilinaw naman ng aktres na okay sa Dad niya ang muling pag-aasawa ng kanyang ina.

“Matagal na naman silang hiwalay at okay na sa Dad ko na magpakasal uli ang Mom ko. Ang Dad ko pa nga ang naghatid sa amin (mga kapatid niyang sina Jessica at

Maxine) sa designer ng gown na isusuot namin sa wedding, dahil Maid of Honors kaming magkakapat­id sa wedding together with Tita Matet (de Leon).

“Very lucky kami na kahit hiwalay na sila (her parents) nagkakasam­a pa rin kami sa special occasion at nabubuo pa rin kami. Worried nga ako na baka dahil may BF na si Mama, ‘di na kami puwedeng magsama-sama, pero nagkakasam­a pa rin kami,” sabi ni Janine.

Samantala, balik na sa Twitter si Janine at nag-promise siya sa followers niya na kahit ano pang pamba-bash ang gawin sa kanya habang umeere ang Victor Magtanggol ay hindi na siya magpapaape­kto. Mas pananaigin niya ang masayang samahan nila sa set working with her co-stars, sa pangunguna ni Alden Richards.

“Favorite scene ko saVictor Magtanggol ang umpisa, ang eksenang kinunan sa Japan dahil doon nakilala si Gwen Regalado (her character), na masayahin at independen­t at doon sila nagkakilal­a ni Victor (Alden),” kuwento ni Janine.

Nabanggit din ni Janine na dahil sa Victor Magtanggol, mas nakilala niya si Alden.

“Sa TV ko lang siya napapanood dati at akala ko sa drama lang siya magaling. Dito ipinakita niyang kaya niyang mag-action at nagko-comedy din siya. In real life, palabiro naman talaga siya at pansin namin na close siya sa lahat ng tao. Siya ang nagli-lead sa tao at ramdam ang pag-aalaga niya sa tao,” pagtatapos ni Janine.

 ??  ??
 ??  ?? Janine
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines