Balita

Alden, mas gusto na ng action?

- Ni NORA V. CALDERON

BI L I B n a bilib ang mga kasama ni

Alden Richards sa action-dramafanta­sy series na Victor Magtanggol dahil sa dedication ng aktor sa trabaho.

Anila, mabait at simple lang daw si Alden. Wala rin itong reklamo kahit na wala itong cutoff sa taping. At kahit sa pagpapalit-palit lang ng aktor ng costume ay sila ang napapagod para rito.

Kaya nang makaharap namin si Alden sa press visit ng serye nila sa Sta. Ana, Manila, sa bahay ng Pamilya Magtanggol, sinabi ng aktor na kasama iyon sa trabaho niya.

“Motivation ko na po ang pagpunta sa taping, lagi akong looking forward na makasama ko sila uli,” sabi ni Alden. “Nagustuhan ko na po kasi ang mag-action, hindi na ako takot gumawa ng mga stunts at sinasabi ko nga kina Direk

Dom Zapata, na as much as possible, gusto ko na ako na lang ang personal na gagawa ng mga stunts ko. Tiwala po ako sa stunt director ko at sinisiguro muna niya na safe ako bago ko gawin ang eksena.

“Masaya na po ako kapag magaganda ang feedback na natatangga­p ko mula sa viewers. Worth it po iyon kaysa ratings. Kaya naman kapag nagsu-shoot kami, ang mga viewers ang nasa isip ko, kung magugustuh­an nila ang ginagawa ko.

“Nakakatuwa po kapag may mga batang dumarating sa set at natutuwa sila kapag nakikita nila akong ginagawa ko ang stunts. Like po iyong back lift ko as Hammerman, ginawa ko iyon na hindi ko na inisip dahil nakaharnes­s naman ako at nagawa ko naman daw nang maayos sabi ng stunt director ko.”

Natanong si Alden kung mawawala na ba talaga ang character ni John Estrada, bilang si Loki. Last Tuesday evening kasi napatay na si Loki ni Modi (Pancho Magno) matapos nilang labanan ito, at ang malaking ahas na anak nito.

“Hindi ko pa po alam kung talagang patay na siya. Pero ang alam ko po ay may mga cast na babalik at marami pang papasok na mga special guests. Hindi ko pa rin po alam kung tuluyan ko nang iiwanan ang pagiging si Hammerman. Looking forward po ako sa mga susunod na eksena naming,” kuwento ni Alden.

Hindi ba siya napapagod? Kahit ang mga kasama niya sa cast, nagwo-worry sa kanya dahil kahit umaga na sila natatapos ng taping, nagagawa pa niyang pumunta sa Eat Bulaga.

“Medyo nga po kulang sa tulog, pero di ko naman pinababaya­an ang katawan ko. Kumakain po ako, at kapag may chance naman sa set na puwede akong matulog, natutulog ako.

“Hindi ko pa po alam kung hanggang kailan kami mapapanood. Pero ngayon pa lamang labis-labis na po ang pasasalama­t namin ng buong cast sa pagtangkil­ik nila sa amin.

“Gusto ko rin silang imbitahan sa Sunday, October 14, sa SNBO, ire-replay po ang concert ko last September 21, ang Alden Adrenaline Rush, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho,” pagtatapos ni Alden.

 ??  ??
 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines