Balita

Paano masasabing nuisance ang isang kandidato? Nina Mary Ann Santiago at Leslie Ann Aquino

-

Nilinaw kahapon ng pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) na hindi basehan ang “kawalan ng pera” ng isang kandidato para ideklara siyang nuisance candidate, o panggulong kandidato.

Ayon kay Comelec Spokespers­on James Jimenez, hindi pera ang isyu kundi ang kakayahan ng isang kandidato na makapangam­panya sa buong bansa, partikular na ang mga tumatakbo sa national post, tulad ng pagkasenad­or.

Sinabi ng poll official na kahit mas kakaunti ang pera ng isang kandidato kumpara sa mga kalaban nito, maaari pa rin itong makapagsag­awa ng national campaign kung mayroong sapat na bilang ng tagasuport­a sa iba’t ibang lugar.

“Kailangan ‘yung may kakayahang mag-conduct ng nationwide campaign. That is very important for senators. But it is also very important to understand that it is not about money,” ani Jimenez.

“One can have less money than the other, but the one who has less money could be better suited for a national campaign because he or she has enough supporters,” paliwanag niya.

Kasabay nito, pinayuhan ng Comelec ang publiko na huwag gawing basehan ang mga survey sa gagawing pagboto sa Mayo 13, 2019.

“Surveys help but we never sanction or promote the use of such surveys,” pahayag ni Comelec Chairman Sheriff Abas sa isang press briefing kahapon.

“That is already personal to the voters,” dagdag niya.

Sinabi ni Abas na hindi ieendorso ng Comelec ang nasabing mga survey.

“The Comelec will never endorse such kind of surveys,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines