Balita

Mag-live-in partners, huli sa R50K ‘shabu’

- Aldrin Casinas at Mary Ann Santiago

Arestado ang umano’y miyembero ng Amin Buratong drug syndicate at live-in partner nito matapos na masamsaman ng P50,000 halaga ng hinihinala­ng shabu sa Pasig City, nitong Huwebes.

Nagsilbi ng search warrant ang mga tauhan ng Eastern Police District Drug Enforcemen­t Unit (DDEU), District Special Operations Unit (DSOU) at mga tauhan ng Pasig City Police laban kina Elden Piamonte, 38; at Adora Santos, 39 sa No. 54 San Bernando Street, Barangay San Juaquin, Pasig, bandang 11:00 ng umaga.

Ayon kay EPD director Chief Supt. Bernabe Balba, si Piamonte ay miyembro ng Buratong drug syndicate— isang narcotics group na pinamumunu­an ni Amin Buratong na nag-o-operate ng shabu “tiangge” sa Pasig City bago ito ipasara nang siya ay maaresto noong 2006.

“According to the District Intelligen­ce Unit, Piamonte was a runner for the Buratong drug group and eventually becoming a pusher for the sydicate,” ani Balba.

Si Piamonte ay kabilang sa drug watch list ng Pasig City Police at isinailali­m sa surveillan­ce simula noong Nobyembre 2016.

Kalaunan siya ay naaresto dahil sa ilegal na droga noong Oktubre 16, 2017, ngunit nakalaya nang magpiyansa.

Samantala, isa umanong miyembro ng Buratong drug syndicate ang inaresto sa buy-bust operation ng mga tauhan ng DDEU at District Intelligen­ce Unit (DIU) nitong Hulyo 3.

Inaresto ng mga pulis si Antonio Intalan, 49, ng Bgy. Pineda, Pasig at nasamsam ang P1.25 milyong halaga ng hinihinala­ng shabu, na may bigat na 190 gramo.

Nakuha mula kina Piamonte at Santos ang 36 na pakete ng hinihinala­ng shabu, na may bigat na 11 gramo, na tinatayang nagkakahal­aga ng P54,560 at ilang drug parapherna­lia sa loob ng itim na belt bag.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines