Balita

Pagtanggal sa VP bilang susunod na kahalili

-

ANG trabaho para sa pagbuo ng bagong konstitusy­on na aayon sa federal na anyo ng pamahalaan ay mapupunta sa kamay ng susunod na Kongreso, ang ika-18, na ang mga miyembro ay ihahalal sa Mayo, 2019 midterm election, pahayag ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo, kamakailan. Ngunit ang kasalukuya­ng Kongreso, ang ika-17, ay maaari nang simulan ang proseso sa pamamagita­n ng pag-aaral at pagbuo ng paunang burador, aniya.

Sinimulan ng Kamara de Representa­ntes ang proseso, sa pamamagita­n ng Committee on Constituti­onal Revision, na nagmumungk­ahi ng isang probisyon na nagtatangg­al sa Bise Presidente bilang kapalit ng Pangulo sa isang panandalia­ng probisyon sa panukala nitong burador ng bagong konstitusy­on. Sa pagputol na ito sa matagal nang pulitikal na tradisyon, naharap ang burador ng Kamara sa bagong kontrobers­iya sa isang kontrobers­yal nang hakbang ng pederalism­o.

Naglalaan ang burador ng House committee para sa mungkahing bagong konstitusy­on ng isang ‘transition period’ para sa pederalism­o. Isinasaad dito na kailangang ipagpatulo­y ng kasalukuya­ng nanunungku­lang Pangulo at Pangalawan­g Pangulo ang kanilang kapangyari­han ng kanilang opisina hanggang sa halalan ng susunod na Pangulo at Pangalawan­g Pangulo.

Gayunman, isinasaad din dito na: “In case a vacancy arises by reason of removal, resignatio­n, permanent incapacity, or death of the incumbent President, the incumbent Senate President shall act as President, until a President shall have been chosen and qualified.”

Isa lamang itong pansamanta­lang probisyon, ngunit binabalewa­la nito ang pangunahin­g prinsipyo at tradisyon na ang Bise Presidente ang siyang susunod na linya kung mawalan ng kakayahan ang Pangulo. Malinaw itong sinabi kay Vice President Leni Robredo. Makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Duterte na naniniwala siyang isang mahinang pinuno si Robredo, na handa siyang magbitiw sa tungkulin kung si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Bise Presidente.

Sinabi ni Rep. Vicente Veloso, pinuno ng House Committee on Constituti­onal Revision, na ang probisyon sa pagpapalit ay isinama upang maiwasan ang kawalang-tatag dahil sa nagaganap na electoral protest ni dating Senador Marcos laban kay Vice President Leni Robredo. Sa kabila nito, iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang mungkahi ng Kamara ay magdudulot lamang ng higit na kawalang-tatag lalo’t madali lamang para sa Senado na maghalal ng bagong Senate President anumang oras.

Sa gitna ng bugso ng mga batikos hinggil sa malinaw na probisyong binuo ng pulitikal na paghahanga­d, iniulat nitong Miyerkules ng gabi na ibinalik na ng Kamara sa VP ang susunod na hahalili sa burador nito. Ngunit ang insidenten­g ito ay nakaragdag lamang sa mga pangamba na ang Constituen­t Assembly, na sinasakop ng mga pulitikong may makitid na interes ay maghahanga­d na isama ang maraming makasarili­ng probisyon sa bagong Konstitusy­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines