Balita

May phobia sa tao ang aking katrabaho

- Gina de Venecia

DEAR Manay Gina,

Isa po akong empleyado sa munisipyo. Kaya natural sa akin

at sa aking mga kasamahan na maging palabati sa tao. Pero meron po akong isang kasamahan sa aking departamen­to na iba ang asta. Kapag nagkakasal­ubong kami sa daan, umiiwas siya. At kung nasa gitna kami ng room, talagang iikot pa siya sa gilid ng kuwarto makaiwas lang sa akin. Hindi naman ako manhid kaya talagang gustung-gusto ko na siyang sitahin kung bakit ang turing niya sa akin ay para bang may sakit akong nakahahawa.

Paano ko kaya kakausapin ang kasamahan kong ito nang walang masyadong drama?

Jenny Dear Jenny,

Hindi mo kailangang maging magaspang dahil lamang sa hindi maayos na asta ng ibang tao. Kung may phobia sa tao ang inyong kasamahan, problema niya ‘yon at hindi sa ‘yo. Balewalain mo

na lang ang kanyang ikinikilos kung wala naman itong direktang epekto sa ‘yong trabaho. Sa halip na mainis, lawakan mo na lang ang iyong pang-unawa at tanggapin ang katotohana­ng, sadyang iba’t iba ang ugali ng tao.

Gayunman, kung ang kanyang ikinikilos ay nagiging sanhi para hindi ka makapagtra­baho nang husto, isangguni mo ito sa inyong supervisor dahil obligasyon niyong lahat na kumilos nang wasto para maging kaiga-igaya

ang inyong opisina.

Nagmamahal, Manay

Gina

“To make oneself an object, to make oneself passive, is a very different thing from being a passive object.”

--- Simone De Beauvoir

Ipadala ang tanong sa dear. inangmahal@gmail.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines