Balita

Nakilala na ang mga nais maglingkod sa bayan

- Clemen Bautista

MATAPOS ang unang araw ng paghahain ng certicate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec), nakilala na ng ating mga kababayan ang ilan sa mga nais maglingkod at magkaroon ng katungkula­n sa pamahalaan, (Senado at Kongreso), sa mga lalawigan at iba’t ibang bayan sa iniibig nating Pilipinas. Sa pagiging senador, may 27 ang naghahanga­d na maging miyembro ng Mataas na Kapulungan, kasama na rito ang mga reelection­ist.

Sa mga lalawigan at iba’t ibang bayan, naging tanawin din ang pagtungo ng mga naghain ng kanilang COC sa Comelec. Sa paghaharap ng COC, hindi naiwasan na ang

mga “wannabe” ay may mga kasamang tagasuport­a. Nagpakita ng lakas ng kanilang kandidato. Sa paghaharap ng COC, ang iba ay may kasamang banda ng musiko. May mga supporters naman na iisa ang kulay ng damit at nagsasayaw. May naaliw at natuwa. Ngunit hindi rin naiwasan na may mga nainis at nabuwist sa pakulo ng mga sirkero at payaso sa pulitika. At palibhasa’y local election ang halalan sa Mayo 2019, masaya ang mga supporters ng mga “wannabe”.

Sa pakikipag-usap ng inyong lingkod sa isang opisyal ng Comelec sa Rizal, nabatid na ang mga kandidato sa pagka-governor sa Rizal ay ang incumbent na si Rizal Gov. Rebecca Nini Ynares. Ang kanyang kandidato sa pagka-vice governor ay ang incumbent na si Rizal Vice Gov. Jun Rye San Juan. Sila ang mga kandidato ng Nationalis­t People’s Coalition (NPC) sa Rizal. Ang kandidato naman sa pagka-congressma­n sa unang distrito ng Rizal ay ang incumbent na si Congressma­n Jack Duavit. Nang sinusulat ng inyong lingkod ang kolum na ito, batay sa pahayag ng isang opisyal ng Comelec sa Rizal, wala pang naghaharap ng COC sa pagka-congressma sa unang distrito ng Rizal na kalaban ni Congressma­n Jack Duavit. Magiging kasaysayan sa unang distrito ng

Rizal kung walang kalaban si Congressma­n Jack Duavit.

Sa ikalawang distrito ng Rizal, na binubuo ng mga bayan ng Cardona, Morong, Baras, Tanay, Pililla, San Mateo at Montalban (Rodriguez), ayon sa Comelec sa Rizal, ang naghain ng kandidatur­a sa pagiging Kinatawan ay si Maria Lourdes Rodriguez. Siya ang kandidato ng NPC, kapalit ni Congressma­n Jun Rodriguez na matatapos na ang panunungku­lan.

Sa Antipolo, nang sinusulat ko ang kolum na ito, wala pang kandidaton­g lalaban kay Antipolo City Mayor Jun Ynares. Maging kay Antipolo City Vice Mayor Pining Gatlbayan ay wala pang lumulutang na kalaban. Isang kasaysayan sa pulitika sa Antipolo ang ganitong pangyayari.

May mga bayan naman sa Rizal na masasabig maaaring magaan at mahigpit ang labanan sa darating na halalan sa Mayo 2019. Sa Jalajala, Rizal, magaan ang laban ni Jalajala Adminstrat­or Elmer Pillas, (anak ni Mayor Ely Pillas) sapagkat ang magiging batayan ay ang mga nagawa ni Mayor Ely Pillas sa Jalajala. Malaki ang paniwala ng mga Jalalenyo na ipagpapatu­loy ni Administra­tor Elmer Pillas ang mga advocacy ni Mayor Ely.

Sa Binangonan, Rizal, masasabi rin na

walang mahigpit na labanan sa darating na halalan sapagkat wala pa ring naghahain ng COC na lalaban sa magkapatid na Mayor Engr. Cesar Ynares at Vice Mayor Boyet Ynares. Kung walang kandidaton­g lalaban sa magkapatid na Ynares, masasabing isang poltical history sapagkat ngayon lamang nangyari na walang lumaban kina Mayor Cesar Ynares at Vice Mayor Boyet Ynares.

Sa Baras, Rizal, kasaysayan na rin sa pulitika na mag-ama ang nanalong mayor at vice mayor noong halalan noong 2016. Sila’y sina Mayor KC Robles at Vice Mayor Willie Robles. Sa darating na eleksiyon, ang magamang Mayor KC Robles at Vice Mayor Willie Robles ay kapwa reelection­ist. Wala pang lumilitaw na lalaban sa mag-ama. Ngunit may nagsabi sa inyong lingkod na taga-Baras na bago sumapit ang eleksiyon, may susulpot na kalaban ng mag-ama.

Sa Pililla, Rizal, masasabing maaaring close fight o mahigpit ang magiging labanan sa pagka-mayor nina Mayor Andro Masikip at dating Mayor Dan Masinsin. Marami naman ang hindi sang-ayon sa nasabing paniwala sapagkat kung sa karanasan sa pagiging Mayor at mga nagawa sa Pililla, mahirap nang mapantayan o malagpasan ang mga accomplish­ment ni Mayor Masikip.

Ang pananatili bilang class A municipali­ty ng Pillila. At higit sa lahat ,ang pagkakatay­o ng mga wind mill na pinagmumul­an ng kuryente sa Pillila at naging tourist destinatio­n. Nakatulong sa paglaki ng income ng Pililla.

Sa bayan ng Taytay, maraming tagaTaytay ang nagsasabi na mahirap talunin ang incumbent na si Mayor Juric Gacula sapagkat sa kanyang mahusay na pamamahala, patuloy ang pag-unlad ng Taytay.Ang pagiging Capital Garment ng bayan ng Taytay at ang pagkakaroo­n ng maraming business establishm­ent na nakatulong sa pagkakaroo­n ng trabaho at hanapbuhay ng mga taga-Taytay at sa income o kita ng pamahalaan bayan.

Ang halalan ay nagiging sukatan ng mahusay at magandang accomplish­ment ng mga namuno sa bayan. Kung matalino ang mga mamamayan, alam nila kung sino ang mga dapat na magpatuloy sa mahusay na pamamahala at paglilingk­od sa bayan.At sinu-sino naman ang itatapos at ihahagis sa kangkakung­an ng pulitika sapagkat hindi naging kapani-paniwala ang mga ginawang paglilingk­od. Nabahiran ng pagsasaman­tala sa kapangyari­han at naging tulisan at mandarambo­ng ng pondo ng bayan.Naging dahilan ng paghihirap ng mga mamamayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines