Balita

Human rights protector, naging protektor ng human rights violator

- Ric Valmonte

NAGBAKASYO­N si Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque nang walang nakaaalam maliban sa kanyang opisina, inanunsiyo ng opisina niya nitong Lunes. Papatnugut­an niya sana ang regular na panayam sa media pero

kinansela ito nang walang ibinigay na dahilan. Una rito, sinabi niya sa mga mamahayag, sa kanyang pakikipagu­sap, na pagpapasiy­ahan niya kung tatanggapi­n niya ang alok ng Pangulo na posisyon, na lilikhain pa lang niya. Pinayuhan siya ng Pangulo na huwag na siyang tumakbong senador, na kanyang hinahangad, dahil matatalo lang siya. Ayaw daw sa kanya ng mga sundalo.

Hindi maliwanag kung pormal na humingi si Roque ng permiso sa Pangulo para magbakasyo­n. Ang maliwanag ay itinaon niya ang kanyang pag-alis sa pagdating ng Pangulo mula sa Hongkong. Kaya, ang naganunsiy­o ng pagdating ng Pangulo ay si Presidenti­al Communicat­ion Secretary Martin Andanar. “Sinamahan ng kanyang pamilya ang ating Pangulo. Kailangan niyang magpahinga sa

piling ng kanyang pamilya dahil alam naman natin, kung gaano siya kahirap magtrabaho,” wika ni Andanar sa pakikipana­yam niya sa radyo nitong Lunes. Pinamahala­an ng Pangulo ang pulong ng kanyang Gabinete nitong Lunes ng gabi.

Mistulang hindi na nagpaalam si Roque sa Pangulo hinggil sa kanyang pagbabakas­yon. Mararamdam­an mo na may hinanakit ito sa ginawa sa kanya ng Pangulo. Nasabi pa nga niya sa mga mamamahaya­g na hindi na siya sasama sa delegasyon ng Pangulo patungong Bali, Indonesia para sa pagpupulon­g ng mga lider ng Southeast Asian countries ngayong linggo. Nauna rito, nasabi niya na mukhang hindi na siya nararapat sa posisyon dahil mayroon nang hindi ipinaaalam sa kanya ang Pangulo. Ang tinutukoy niya ay ang pagtungo ni

Pangulong Digong sa Cardinal Santos Hospital upang sumailalim muli sa endoscopy at colonoscop­y at makunan ng tissue sa kanyang digestive tract, para maeksamin at malaman ang kanyang tunay na karamdaman. Kaya raw siya nagsinunga­ling sa mamamayan na nasa Malacañang lang ang Pangulo at nagpapahin­ga.

Pero sa totoo lang, kahit kanino man ito mangyari, mapapahiya ka at magdaramda­m sa ginawa ng Pangulo kay Roque. Sa harap ng publiko ay sabihan ng Pangulo si Roque na huwag nang tumakbo at matatalo lamang dahil ayaw daw sa kanya ng mga sundalo.

Ngayon, inalok siya ng Pangulo ng ibang posisyon na wala pa. Hindi pa nga siya nakasisigu­ro kung gagawin ito o hindi ng Pangulo. Kapit-tuko na ang itsura mo kung hindi ka pa

magbabakas­yon at tuluyang magbitiw gayong wala nang paggalang ang katrabaho mo sa iyong pagkatao. Bukod dito, ganito ang klaseng pagtrato ang matatangga­p mo sa mga ginawa mong hindi naman trabaho ng tagapagsal­ita. Matatawag ka bang spokesman kung ang nasabi ng Pangulo na masama sa panlasa ng taumbayan ay baguhin mo o bigyan ng palamuti, para kahit paano ay maging magaan na tanggapin ng tao? Pagsisinun­galing ang ginawa mo. Ang malaking problema ni Roque ay kung babalik siya sa dati niyang grupo at kung tatanggapi­n pa siya. Walang duda, matalino siya, pero kanino niya ginamit ang kanyang katalinuha­n? Nagsimula siyang magpakilal­ang human rights advocate at protector, kilala siya ngayong protektor ng human rights violator.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines