Balita

Pancho, nakukulang­an sa kissing scenes ni Max

- Ni NORA V. CALDERON

ENJOY sa pagkukuwen­to si Pancho Magno tungkol sa pagluluto niya para sa misis na si Max Collins. Tapos naman kasi siya ng culinary arts bago tuluyang pinasok ang showbiz.

“’Pag may time, ako rin ang naggogroce­ry, dahil kabisado ko kung ano ang bibilhing gamit sa lulutuin ko, kasi ako ang nagpaplano ng menu,” kuwento ni Pancho sa set ng Victor Magtanggol.

“Tinuturuan ko rin namang magluto si Max, pero mahusay siya sa table setting. Kasi balak na naming lumipat ng sarili naming bahay, iyong malapit sana sa school.”

Sa kasalukuya­n ay nakatira sina Pancho at Max sa parents ng huli, at wala namang problema. Pero gusto na rin nilang magsarili dahil by next year, balak na nilang magkaroon ng baby.

“Siguro after ng VM, itutuloy na namin ang honeymoon ni Max. Hindi kasi kami natuloy after ng wedding namin last December 2017, dahil naging busy kami pareho,” kuwento pa ni Pancho. “Pupunta muna kami ng Japan then Italian honeymoon namin. Siguro, hihingi kami ng matagal-tagal na bakasyon ni Max.”

Sa ngayon, busy si Pancho sa action-fantaserye na Victor Magtanggol bilang si Modi, ang natitirang anak ni Thor, ng Norse mythology. Mayabang si Modi at gustong maangkin ang mahiwagang martilyo ni Thor, na hawak ni Hammerman.

Natanong si Pancho kung may limitation na ba si Max sa mga kissing scenes nito? “Yes, kahit ako sa sarili ko, ayaw ko naman ng kissing scene. Pero kapag kailangan talaga, puwede naman. Like sa Citizen Jake, sabi ko sa kanya nakulangan ako sa kissing scene nila ni Atom (Araullo). Kasi mag-boyfriend sila pero ganun lang ang kissing scene. Alam naman natin kung ano iyong dapat na kissing scene sa isang eksena.”

First time lang pala ni Pancho na makatrabah­o si Alden Richards.

“Pero humanga ako sa dedication niya sa trabaho; mahusay na actor, sobrang bait, walang reklamo. Sayang lang dahil wala kaming time to bond. Si Alden kasi minsan, tapos na kaming lahat, siya naiiwanan pa para sa ilan pang eksena,” kuwento pa ni Pancho. Napapanood ang Victor Magtanggol

gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Max at Pancho
Max at Pancho

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines