Balita

Past nina Andrea at Sef, ‘di pa rin maamin

- Nitz Miralles

NAUUSO na ngayon na hindi sinasabi kung ilang years ang pinirmahan­g kontrata ng isang artista o singer. Basta pumirma sila ng kontrata at malalaman na lang natin ay tapos na o nag-renew na ang celebrity. Gaya ni Andrea

Torres, na kamakailan ay nag-renew, for the second time, ng kontrata niya sa GMA Artist Center. Nang tanungin kung ilang years ang pinirmahan niyang contract renewal, bawal daw sabihin.

“Wala akong demands sa bago kong kontrata, sobrang happy ako sa kanila at hindi naman nila ako pinababaya­an. Ang mga boss ko, kahit 12:00 midnight kong tawagan, natatawaga­n ko at nasasabi ko ang mga problema ko. Masaya akong Kapuso talent pa rin,” sabi ni Andrea.

Dahil umeere pa ang Victor Magtanggol, kung saan ginagampan­an ni Andrea ang role ng diyosang si Sif, hindi pa niya iniisip ang susunod niyang project. Ang tiniyak lang niya ay babalik siya sa Bubble Gang kapag natapos na ang action/telefantas­erye na pinagbibid­ahan ni Alden Richards.

“Kung papipiliin ako sa next role ko, gusto ko bida-kontrabida. At kahit role ng kontrabida at murderer, gusto kong gawin. Masaya at unpredicta­ble ang maging kontrabida, gusto kong subukan. Mas challengin­g ‘yun, “patuloy ni Andrea.

Sa ngayon, focus muna siya sa Victor

Magtanggol at nag-e-enjoy siya sa concept ng fantaserye. Masayang gawin, kahit mahirap ang fight scene, lalo na at naka-costume siya at mabigat ang sapatos. Kapag napanood na ang pinaghirap­an nilang episode, nawawala rin naman agad ang pagod, ayon kay Andrea. Gaya sa ibang kasama sa cast ng Victor Magtanggol, napupuri ni Andrea si Alden na kahit sumikat na, hindi pa rin nagbago. Nagkasama na sila sa TVC nang in-endorse nilang produkto at hanggang ngayon, ayon sa kanya, ay wala pa ring ipinagbago ang aktor. Mabait, playful, nakakatuwa at makuwento raw si Alden. Bilib din si Andrea na walang kapaguran ang aktor at sobrang propesyona­l.

Nakumusta rin kay Andrea ang kanyang love life at sinabi niyang two years na siyang loveless. Wala pa rin siyang makitang kapalit ni

Sef Cadayona, hindi dahil sa hindi pa rin siya maka-move on. Wala lang talaga siyang time magkaroon ng love life sa ngayon.

Pansin lang namin na hanggang ngayon ay hindi pa rin maamin ni Andrea na naging boyfriend niya si Sef. Sabagay, ganun din naman si Sef, hindi rin niya inaamin na naging sila ni Andrea, kaya patas lang sila.

 ??  ?? Andrea
Andrea
 ??  ?? Sef
Sef

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines