Balita

Isabel Rivas, balik-showbiz

- Mercy Lejarde

AFTER seven long year, nagbabalik teleserye via Los Bastardos, ng Kapamilya Gold, ang aming long-time friend na si Isabel Rivas. Pabalik-balik sa Amerika ang aktres dahil tagaroon ang asawang niyang American-Italian businessma­n na si Richard Vella.

“Tinawagan ako ng isa sa production staff ni Direk Ruel (Bayani) habang nasa Amerika ako, at sinabi sa akin ang offer ng Dos,” kuwento ni Isabel.

“Nagustuhan ko ang role ni Alba, she’s a really, really crazy girl. And so in love with Roman (played by Ronaldo Valdez).

“And parang na-miss ko talaga din ang showbiz. Na-miss ko lahat ang mga tao sa showbiz, na-miss ko ang tapings, na-miss ko lahat ang bagay tungkol sa showbiz. Kaya hindi na ako nagdalawan­g-isip, sabi ko sa asawa ko sa Amerika, goodbye! Ha, ha, ha!

“And he was so nice to say ‘Sweetheart, you deserve it. Go home.’ Siya pa ‘yung the next few days ay nagsabing ‘come let’s go shopping, I will buy you clothes for your work’. So I’m really really excited to work here in Los Bastardos.”

Blooming pa rin si Isabel kahit na may apo na siya sa anak niyang si Richie Boy, na napangasaw­a ang dating Kapuso actress na si Nadine Samonte.

Hirit pa ngang sabi ni Isabel, fulfilled at kuntento na siya sa kanyang buhay pagkatapos na masangkot siya sa isang matinding problemang pinansiyal.

“God is good talaga, all the time. Hindi niya tayo talaga pababayaan, ‘cause after the storm ay bibigyan niya tayo ng sunlight.”

Matatandaa­ng sumikat si Isabel noong dekada ‘70 as sexy action star sa Zarda at Uhaw Na Dagat, with her fave movie director

Celso Ad. Castillo (SLN).

Airing na this Monday, October 15, ang Los Bastardos sa ABS-CBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines