Balita

Maine sabak na sa sitcom, ngayon

- Nora V. Calderon

EXCITED na ang mga fans ni Maine Mendoza, gayundin ang AlDub Nation sa bagong sitcom na gagawin ng phenomenal star kasama si Bossing

Vic Sotto, ang Daddy’s Gurl. Ngayong Sabado na kasi ang pilot telecast ng sitcom.

Happy ang mga fans dahil kung noon daw ay eight episodes lang ang ginawa ni Maine sa family fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayon daw ay mas matagal nilang mapapanood ang Eat

Bulaga host.

Nakakatuwa raw na balik-primetime muli si Maine sa GMA Network, dahil mapapanood ang

Daddy’s Gurl pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Gaya sa kalyeserye ng Eat Bulaga, gaganap uling mag-ama sina Bossing Vic at Maine. Si Bossing Vic ay si Barak Otogan, isang mapagmahal na asawa at may-ari ng Otogan Farm sa Batangas. Isang malambing na anak naman si Maine, bilang si Visitacion Otogan, na nang lumuwas sa Maynila ay pinalitan ang pangalan niya to Stacy. Isang social media influencer si Stacy at pagiging trending ang pinagkakaa­balahan niya araw-araw.

Kasama rin nila si Wally Bayola bilang si Marikit Otogan, na nang yumao ay naiwan ang kaluluwa sa isang litrato na nakakausap ni Barak tuwing may problema siya.

Makikigulo rin sa mag-ama sina Oyo Sotto bilang si Lance Saavedra, ang istriktong boss ni Stacy. Magaling magsalita, pero mataas ang tingin sa sarili niya.

Si Angelika dela Cruz naman ay si Aling Oprah, kapitbahay ng mag-ama na may pagnanasa kay

Barak. Si Benjie

Paras ay si Tomas o Tom, katiwala ni Barak na madaling maloko; at si Jelson Bay si Gerry, small but terrible na kanangkama­y ni Barak. Si Chichirita ay si Beauty, officemate at friend ni Stacy, habang si Kevin Santos si Daboy, ang guwapo at matipuno, pero “pamintah” na kaibigan ni Stacy.

Nang mamatay si Marikit, nangako si Barak na aalagaan niya si Visitacion. Pero hindi laging magkasundo ang mag-ama dahil sa lumang estilo ng pamumuhay ni Barak sa probinsiya. Pero kahit lagi silang hindi magkasundo, mananaig pa rin ang tindi ng pagmamahal nila sa isa’t isa, dahil isa ngang certified daddy’s girl si Visitacion.

“Ine-enjoy ko po ang taping at excited ako laging gawin ang role ko bilang si Stacy,” sabi ni Maine. “Ganito po kasi ang mga gusto kong role, at gamay ko na po naman si Bossing Vic dahil araw-araw kaming magkasama sa Eat Bulaga. Para ko na siya talagang second tatay.”

“Wala naman akong reklamo sa pagiging profession­al ni Maine,” sabi naman ni Vic. “Kahit puyat iyan dahil may ibang event na pinuntahan the night before ng taping, maaga pa rin siyang dumarating sa kanyang call-time.”

Mula sa M-Zet Production­s at sa direksiyon ni

Chris Martinez, tiyak na magiging Saturday night habit ninyo ang panonood ng Daddy’s Gurl.

 ??  ?? Vic at Maine
Vic at Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines