Balita

BTS, pasok sa Next Generation Leaders ng Time

-

KINILALA ng Time magazine editors ang KPop superstars na BTS bilang isa sa “Next Generation Leaders”— o kabataang pinaniniwa­laan na uukit ng bagong kasaysayan para sa hinaharap.

Sa ulat ng Cover Media, tampok ang grupo sa cover ng October 14, 2018 issue ng magazine—na kumikilala sa bagong batch ng kabataan, aktibista, artists, celebritie­s at mga manunulat na tumanggap ng pagkilala.

Kamakailan ay nakapag-sold out ng concert sa malaking arena sa kanilang show sa London at New York at naglahad ng mensahe sa harap ng mga opisyal ng United Nations (UN), ikinuwento ng BTS ang kanilang pagsikat sa panayam sa kanila ng Time.

“We started to tell the stories that people wanted to hear and we’re ready to hear, stories that other people could not or would not tell. We said what other people were feeling—like pain, anxieties and worries,” sabi ni Suga, isa sa mga rapper ng grupo.

Naging dahilan ang pagiging malapit ng grupo sa kanilang mga tagahanga para makuha ng grupo ang atensiyon ng mga UN officials, na pumili sa KPop group para pangunahan ang kampanya sa paghimok sa kabataan na manindigan laban sa pangaabuso at pagmamalup­it sa kanila.

“Even if there is a language barrier, once the music starts, people react pretty much the same wherever we go,” ani Suga. “It feels like the music really brings us together.”

Bilang pangako na hindi mababago ng kasikatan ang grupo, idinagdag ng leader na si RM (Kim Nam-joon): “I think the most important thing to live well is to be yourself. We’re still trying to be us.”

Kabilang sa mga tampok sa Next Generation Leaders ng Time ang French soccer star na si Kylian Mbappe, at ang aktres na si Amandla Stenberg. Una nang nakatangga­p ng pagkilala si The Weeknd, at ang French singer na si Christine, gayundin ang Queens ngayong taon.

 ??  ?? BTS
BTS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines